“Did you find, Maddy?” Tristan asked. Nag-video call ang mga ito. Kanina pa sila tumatawag. Ngayon lang ako nagkaroon ng oras para pansinin ang cellphone ko. Itinapat ko kay Madison ang cellphone para makita siya ng mga ito. “Thank God.” sabi ni Evan. Nakatakip rito ang jacket ko, inayos ko ang pagkakasandal nito sa upuan at bahagyang nakahiga ang sandalan para makahiga siya ng maayos. Parang isang sanggol na natutulog ng mahimbing. Hinaplos ko ito sa pisngi. Nawala sa isip ko na nasa call pa kami ng mga kaibigan ko kaya naghiyawan pa ang mga ito. “Nako, Gavin! Huwag mo kaming iniinggit!” sabi pa ni Reed. “Shut it, Reed. Ang ingay mo! Baka magising si Miss President.” saway naman dito ni Arkin. Hinarap ko na sa akin ang cellphone. Masyado na nilang sinisilayan si Madison.

