Pumikit na lang ako at taimtim na nagdasal. Hindi ko alam kung ano'ng mangyayari sa akin. Labis labis ang kabog ng dibdib ko. Tila lalabas na ang puso ko sa kinalalagyan nito. "Are you alright?" Unti-unti kong iminulat ang aking mga mata nang marinig ko ang boses ng taong humila sa akin. "Gavin..." pagtapos niyon ay bumuhos na ang aking mga luha sa halu-lahong emosyong aking nararamdaman. "Hey. Stop crying. I'm already here." Isinandal nito ang ulo ko sa kanyang balikat. "I'm so s-scared. S-someone's following me. S-s-sobrang n-natakot a-ako. S-sobra 'yong kaba ko..." hagulgol na iyak. Sobrang natakot ako sa sumusunod sa akin. "It's okay now. You're safe with me." hinawakan niya ang balikat ko at inangat mula sa pagkakahilig sa kanyang balikat. "Stop crying. I'm here". Pinuna

