"Hey, Gav!" Pukaw sa atensyon ko nitong si Sean na nakapagpabalik sa akin sa kasalukuyang oras. Panira talaga..tsk! “Gising ka na pala. Magsisimula na tayo.” "Anong oras na?" "Hmm. Siguro around 7 p.m. Wala akong relo, bro." sagot nito. Matagal rin pala akong nakatulog. Tumayo na ako at sumunod kay Sean patungo sa mga kaibigan namin. Nakapaikot na ang mga ito sa bonfire. Hinahanap ng mata ko si Madison. Kani-kanina lang ay nag-iihaw ito at nakikipagtalo pa kay Evan dahil ayaw siyang hayaang mag-isa. Katabi na ito ni Trixie at Tristan. Nakontento na lang ako sa pag-upo sa tapat nila. "Ready na ba kayo, guys?" tanong ni Reed. May hawak hawak itong empty bottle of wine, baso at card na may nakasulat na 1, 2, 3 at 4. I hate this game. Truth or dare. Ipinaliwanag nito ang mec

