Kasalukuyan kong ninanamnam ang mainit na kape at french toast bread na ginawa ko kanina. Nakaupo ako sa may terrace, habang nagmumuni muni at iniisip kung ano ang maaaring mangyari bukas sa pagsisimula ko sa training na sinasabi ni Kuya Malt. Sinamantala ang dalawang linggong bakasyon ko! Nakakapanghinayang talaga! Naalala ko si Gavin at awtomatikong napalingon ako sa kabilang terrace. Sarado pa. Hindi ko na rin natanong kung umuwi ba ito kagabi o nag-stay na siya kila Tristan. Nakatulog na ito doon, baka doon na ito nagpalipas ng gabi. Ang mahalaga naman, hindi siya nag-iisa. Lalo na’t iniwan ko ito kagabi. Nagsend ako ng message rito bago ko tuluyang pumasok sa loob ng bahay. “Good morning, Gavin!” bati ko rito na may kasamang smiley. Sunday is a general cleaning day for me.

