Nakakahiya! Sobra! Nakatingin silang lahat sa aming dalawa! Pagkatapos ay nagpatay malisya at nagkanya-kanyang usap na sila na parang walang nakita. Nagtakip ako ng mukha. Hindi natinag si Gavin sa pwesto nito na ikinulong ako sa kaniyang mga binti. Wala siyang pakialam sa kaniyang mga kaibigan. “Kain na guys.” sambit ni Evan na ipinagpasalamat ko talaga. “K-kakain n-na d-daw t-tayo.” nauutal kong sabi kay Gavin. Saka lang ito umayos saka tumayo at inakay ako papalapit sa lamesa. “Kain na, Miss President.” sabi ni Reed. Ipinag-usod pa ako nito ng upuan para doon pumwesto. “T-thanks!” sabi ko rito. Nag-uusap sila ng mga bagay na hindi ko maintindihan habang kumakain kami. “Kailan ba tayo pupunta sa G Auto?” tanong ni Arkin. “Next week na lang, bro.” sagot naman ni Reed

