Nasa bahay si Sean pagdating ko. “Akala ko mamaya ka pa uuwi e.” bungad ni Sean. “Oh, Maddy. Bakit nandito ka?” tanong pa nito kay Madison na akay akay ko pa rin. Napatingin ito sa mga kamay namin, saka ko lang na-realize na hawak k k pa rin ang kamay ni Madison. Pumalakpak pa itong si Sean, pero wala lang kay Madison. Nakakapagtaka! Usually, naiilang na ito kapag ganiyan ang reaksyon ng mga kaibigan namin. “Para sa’yo.” sabi nito kay Sean. “Salamat, Madison. Nag-abala ka pa.” sabi nito kay Madison nang iabot nito ang pagkaing dala namin mula sa restaurant. “Saan ang punta mo?” tanong ni Madison sa pinsan ko na abala na sa pag-usisa sa laman ng paper bag. Naupo si Madison sa dulo ng couch kung saan din ito nakaupo. “Uuwi sa amin.” maikling tugon nito. “Akin na pala ang susi ng

