Chapter 90

1544 Words

Masakit ang ulo at mataas na lagnat ang bumati sa akin kinaumagahan. Natuluyan na ang nagbabadya pa lang na sipon kagabi bago ako matulog. Bahing ako ng bahing kagabi pagkatapos kong maligo. Uminom naman ako ng gamot pero nagtuloy pa rin.  “Bakit ba ang bilis ko’ng magkasakit?”  Pinilit ko pa ring bumangon at maligo. Baka sakaling mawala ang lagnat ko, kaso mas lalong lumala at sumama ang pakiramdam ko. Nag-iisip akong huwag pumasok kaya nga lang ay marami akong kailangang asikasuhin. Monday pa naman, may flag ceremony sa quadrangle ng campus.  Kumain ako ng breakfast at uminom ng gamot. Hopefully, mag-take effect ito pagdating ko sa school.  “Hija, parang hindi maganda ang pakiramdam mo, bakit papasok ka pa?” bati ni Mang Fredie sa akin.  “Kailangan ko pong pumasok dahil may event sa

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD