Meeting ng student council today para sa collaboration ng bawat department representatives at student council sa malawakang Engineering Week. Supposed to be kasi ay Engineering Department lang dapat ang mag-aasikaso kaya lang, ni-request ng Dean ng College na tulungan namin sila for this event. Kaya pinag-uusapan na ng maigi ang magiging flow ng event. “Okay na ang programme flow, Ate Maddy.” sabi ng President ng College of Engineering. “Kailangan na lang ma-print itong tarpaulins para maikalat na sa buong campus.” sabi ng Vice President nito. “Okay. Well then, wala na pala tayong magiging problem. Just let me know kung kompleto na ang list of candidates para sa Mr. and Ms. Engineering ngayong week para sa orientation ng candidates.” “Okay po, Ate Maddy.” magalang na sagot ng Pre

