Chapter 33: Naughty "Waah! Ang ganda naman dito, Dee!" Halos mapalundag ako sa sobrang excitement. Ang ganda kasi ng pinagdalhan sa'kin ni Dee. "Careful, Mee. You might get hurt," malambing niyang sabi habang ibinababa ako. Dinala niya ako sa isang park sa gitna ng bundok. Hindi pa sana ako puwedeng mag-travel sabi ng doktor pero dahil dyosa ako, pumayag siya. Binuhat pa niya ako kanina mula third floor ng hospital hanggang sa maisakay niya ako sa kotse. Gusto ko kasing makakita ng puno kaya dinala niya ako rito sa Adventure Park. Maraming puno sa paligid at may iba't ibang adventure activities na puwedeng gawin ng mga dumadayo. Mayroong zipline, rapelling, target shooting at kung anu-ano pang pakulo. Idinipa ko ang aking dalawang kamay at ipinikit ang aking mga mata. Hinayaan kong

