CHAPTER 30 PAIGE'S POV Nakapikit ako habang nagsha-shower ako. Wala na naman akong makita. Minsan ganito ‘to eh. Hindi ko nga maintindihan. Dapat lalabo lang yung paningin ko. Kaya nga sabi nila Mama, kabilang ang sakit ko sa new discovered na sakit though nasa line siya ng retinitis pigmentosa. Sa pigmentosa kasi, lumalabo lang ang peripheral vision. Sa akin kasi, ilang minuto akong nawawalan ng paningin bago ako makakita ulit. Katulad ngayon. Kaya habang nagsha-shower ako, nakahawak ako sa pader at iniintay na bumalik ang paningin ko. "Paige?" Hindi ako lumingon kay Aries at pinagpatuloy ko lang ang paliligo ko. "Hmm?" "Okay ka lang?" "Yes. Sasabayan mo ba ko?” "Yup." Napangiti ako. Naramdaman ko na yumakap siya sa akin mula sa likod at bahagyang hinalika

