CHAPTER 32 PAIGE'S POV Papasok na kami ng The Camp. Sa likod na kami dumaan dahil baka matakot ang mga guest ng The Camp kapag nilabas namin si Afton mula sa stretcher. May dala si Doc na mga gamitpar akay Afton kaya wala ng problema. Idagdag pa na kumpleto ang mga gamit ni Mama sa clinic dito. "Hade!" tawag ko Lumapit siya sa amin. Nanlalaki ang mga mata niya habang nakatingin kay Afton na tulog na. Nakalimutan ko, isa pa nga pala ‘tong takot sa patay. Agent na takot sa patay? Weird ‘no? "Dalhin mo ‘to-" utos ko sa kanya "Bakit may dala kang ganiyan dito?! Saan galing yan?!" nahihintakutang tanong sa akin ni Hade "Psh! Wag kang maingay Hade. Si Afton yan at buhay pa siya. Dalhin mo sa isang room ha? Dadalhin ko lang ‘tong si Doc kay Atasha niya." "Sigurado kan

