CHAPTER 28 PAIGE'S POV Sobrang sakit nang ulo ko. Iyon ang unang rumehistro sa akin. Nang iminulat ko ang mga mata ko, ilang beses akong kumurap. Napatingin ako sa may hawak sa kamay ko. Si Aries. Gigisingin ko na sana siya ang kaso, biglang bumukas ang pinto at pumasok si Mama. Inilibot ko ang paningin ko. Nasa The Camp na pala ako. "Mama, anong nangyari?" naguguluhang tanong ko. "I think alam mo na kung ano. And what's bothering me the most ay parang mas lumala-" Sabay kaming napatingin kay Aries ng bigla siyang dumilat. Pagkatapos ay tumingin siya sa akin na nanlalaki ang mga mata at mahigpit na hinawakan ang kamay ko. "Paige? Okay ka na ba? Bigla ka na lang hinimatay kaya dinala kita dito sa Mama mo. Hindi ko alam kung anong nangyari pero may hula na ako...buntis k

