CHAPTER 26 PAIGE'S POV Nanlalamig ang mga kamay ko. Hindi kami tumuloy ni Aries kagabi pabalik sa Manila. Pero maaga kaming umalis kaninang umaga At ngayon nga, kasalukuyang binabagtas namin ang building ng Eighton. Puro mga model ng sasakyan ang nakikita ko sa loob. Totoo man o iyong mga mini model cars. At higit sa lahat, ang una kong napansin ng pumasok kami ay tumahimik bigla ang mga empleyado. And actually, they kept on looking at me. "Don't mind them. Nagtataka lang sila kung bakit isasama kita sa taas. No one can go there. Not even the employees." Paliwanag sa akin ni Aries Isa sa dahilan kung bakit sumikat ang Eighton ay dahil sa walong members niyon. Siyempre, macu-curios ang mga buyers sa kotse na bibilhin nila. May mga line kasi ng model ng cars. The First Eighton,

