George pov
" anong nangyari kay Belle? Bakit siya tumakbo?" tanong ko.
Nagtitimpla kasi ako ng juice ng bigla nalang tumakbo. Kitang kita ko naman si Axel na nakatulala.
Nilapitan ko ito.
" Dude ok ka lang?"
" Sandali sundan ko lang si Belle" Cecil
Tinignan namin dalawa ni Drake si Kristine na wala din idea sa nangyari.
" nahiya siguro...ikaw ba naman isubo ang daliri at di ka tatakbo." Kristine
Ano daw sinubo?
" dude..."
Tinapik ko ang balikat para bumalik ang isip niya.
" N-Nasugat kasi ito..."
Ah kaya pala.
" dahan dahan kasi ang pagsubo... natakot tuloy sayo si Belle.. "
Bumalik naman agad si Cecil.
Ang cute talaga ni Cecil. Noong una ko palang nakita ito ay ang cute na niya. Napapangiti ako kapag nakikita ko siyang nakangiti at nakatawa. Yung simpleng tawa lang niya parang may fireworks na sa paligid ko habang pinapanood ito.
" nasugat lang siya... mamaya ay lalabas na yun. Wag niyo nalang intindihin"
Maya maya ay lumabas din si Belle.
Hinintay nalang namin maluto ang tinola na luto ni Cecil ko.
Wait?... did I just say. Cecil ko?
" Kristine tignan mo nga yung niluluto ko. Bibili lang ako sa tindahan ng asukal."
" samahan na kita Cecil...hoy Drake samahan mo dito si Kristine..." utos ko sa kanya.
Cellphone naman kasi ng cellphone
Lumabas kami ng bahay nila at tinungo ang tindahan.
" Aling Brenda pabili po ng asukal... "
Palingalinga ako sa paligid. Tahimik naman pala pag tanghali dito sa kanila.
" Bakit aanhin mo pala ang asukal?" nagtaka kasi ako.
" Ah... para sa kape ni Belle, hindi kasi ito mahilig sa malalamig na inumin."
" ilang Cecil?... Aba may kasama ka palang gwapo Cecil... Boyfriend mo ba?" tanong ng tindera.
" 1/4 lang Aling Brenda... hindi ko po Boyfriend... kaibigan ko po."
" sus deny ka pa...saan ba pupunta yan kundi magiging kayo din" matabil ang dila ng tindera.
" Aling Brenda talaga... nakasama lang boyfriend na agad..."
" Ito na ang asukal...pansin ko ikaw at si Tintin lang ang bumibili dito. Hindi ba tatlo kayong babae umuupa dyan kay Tandang Rosa"
" Opo... hindi po pala labas si Belle..."
" ke ganda pa namang bata..."
" sige ho Aling Brenda humahaba ang usapan. Halika na George." yaya niya saakin.
Natawa naman ako.
" Oh bakit natawa ka dyan?"
Pinigilan ko ang tawa ko.
" straight forward ka magsalita ha... cute! "
Namula naman ito.
" nagsasabi lang ng totoo... ikaw naman judgemental.. "
" alam mo, parang gusto kong manirahan ng kagaya niyo. Simple lang ang buhay.... yung walang hustle sa araw araw. Yung ikaw ang gagawa ng lahat. Maglaba, magluto... gaya nito bibili sa tindahan."
" bakit? Eh maganda nga sainyo... may taga silbi.. Babangon at kakain nalang ang gagawin niyo. "
" hindi rin... gusto din naman namin maranasan yung, kakain na may kasama... may kasalo, may kausap... pagdating ko galing school wala pa akong kasama maliban sa mga katulong. Kaya nga halos araw araw yung dalawa ang kasama ko eh. "
Napatigil naman ito sa paglalakad.
" Hindi ka ba masaya? "
Umiling lang ako.
" Akala ko lahat ng anak mayaman masaya... kasi kami, mambubukid ang tatay ko si Nanay naman teacher sa Elementarya.... pero kahit papaano masaya naman kami. Lalo na kapag bagong ani kami ng palay at mga gulay. Doon lang namin nararanasan yung nabibili yung mga gusto mo ganun..pero pag ubos na.. balik ulit sa dating pamumuhay.. "
" nakakainggit ka naman... kaya pala sagana sa laman yang pisngi mo kasi marami kayong gulay. "
" Grabe naman yan... pisngi ko talaga nakita..." nag pout ito.
" Your cute and pretty actually... "
Lalo itong namula.
" Ah George bago tayo pumasok... may gusto sana akong itanong sayo.. "
" sige ano yun? "
" bakit ang bait bait niyo saamin ni Belle? "
" why? masama ba? "
" naku hindi naman.... ah kasi nagtataka ako. Probinsyana kami pero kinakausap niyo kami"
" Cecil... hindi naman kami kagaya sa mga teleserye na bully sa mga low profile na tao. Depende kasi yan sa ugali. Nakita ko kasi na mabait kayo. Tsaka hindi naman siguro masama maging magkaibigan ang probinsyana at Manila boy diba?"
" Natatakot lang kasi kami...kilala kayo sa school samantalang kami isang nobody... baka dumugin kami ng mga fans niyo. "
" bwahahaha Cecil... hindi kami parang F4 na pinagpapantasyahan ng mga babae sa school... normal lang kami. Baka si Axel siguro ang matatawag na Campus Crush..."
" Si Kianna... "
Napakunot noo ako.
" Why about her? "
" Nakita niyo naman yung ginawa niya kay Belle...at alam ko sa susunod maghihiganti ito sa kanya. "
" are you scared? "
Umiling ito.
" I'm scared for what will Belle do to her... " mahina ang pagkakasabi nito, kaya hindi ko naintindihan..
Pagpasok naman nagulanta kami sa naabutan namin.
Axel nakapatong kay Belle
Napatakip ng bibig si Cecil sa nakita niya.
" Belle!" Cecil
" Dude! "
Naghiwalay naman ang dalawa.
Belle pov
" Cecil, paano yan?" hawak hawak ko ang daliri ko na may dugo.
" Bakit anong problema?"
" Cecil...kasi si Axel ahhhh!... paano ito makikilala niya ako na ako ang sumagip sa kanya sa talon sa bundok Maikli"
" wait nga... Sandali lang.. Hindi naaabsorb ng utak ko yang sinasabi mo.."
" Sinagip ko siya sa talon... dahil nalulunod. Kinabahan ako kaya ginamitan ko siya ng CPR..."
Lumaki ang mata niya sa inamin ko sa kanya.
" Hala ka!, anong gagawin natin?, "
" Tsak na maaalala niya yun.. Cecil anong gagawin ko? Hindi ito alam ni Inay. "
" magpanggap ka na hindi mo alam ang nangyari.. Sabihin mong hindi ikaw yun... mag reason out ka..." naloloka na din ito gaya ko.
" Kailangan natin maging best actress sa oras na ito Belle... "
Tumango tango naman ako.
Pero hindi ko alam kung kaya ko ba.
Lumabas na ito at nagpaiwan muna ako.
Parang wala lang saakin ng lumabas na ako. Itong dalawa naman lumabas para bumili, yu g dalawa sa kusina parang aso't pusa nag aaway. Saan ba ako lulugar?
Minabuti kong magbasa nalang ng libro at umupo sa may bintana. Pwede kasing upuan ang frame ng bintana kasi malaki ito. Old House style kasi, yung bintana pang kopong kopo pa. Para bang pwede kang haranahin dito..
Nasilip ko ang dalawa na patungo sa tindahan ng lumapit saakin si Axel.
Jusko po... ilayo niyo po ako sa kanya.
" Anong binabasa mo?"
" Medusa..."
" bakit yan? Mahilig ka sa mga myth?" naramdaman kong tumabi ito saakin.
" Oo..." tipid kong sagot.
" Belle..." tawag niya sa pangalan ko.
Ito ag kauna unahang tinawag niya ako sa pangalan ko.
" Sabi ni George sa Bundok Maikli ka daw---"
" sa Barangay Maligaya ako... " agad kong sabi.
" Nagpunta ka na ba doon sa Bundok Maikli...?"
Ito na nga ba ang sinasabi ko eh.
" Bakit nakarating ka na ba doon?" pagbalik ko ng tanong
" Oo... kasama ko sina George. May nangyari sa akin noon... hindi ko maalala. Ngunit kanina ay naalala ko bigla... hindi ko alam kung bakit"
Napalingon ako sa kanya.
" May nakita akong babae nakaputing bestida gaya ng suot mo ngayon... mahaba ang buhok kulay mahogany gaya sayo... napakaganda niya... Kagaya mo"
Napalunok ako.... Cecil bumalik ka na please!
" Kamukha mo ito..."
Aakmang bababa ako ng ma out of balance ako, agad naman niya akong nahawakan ngunit sabay kaming bumagsak. Sinuportahan niya ang ulo ko gamit ang kanyang kaliwang kamay para hindi mabagok.
Sa kasamaang palad... Halos muntik ng magkadikit ang labi naming dalawa. Nakapaibabaw ito saakin.
" those eyes...."
Wag mo akong titigan Axel... parang awa mo na..
" Belle!" Cecil
" Dude! " George
Umalis agad ito ibabaw ko at tumayo. Nilahad naman niya ang kamay nito upang itayo ako.
" anong nangyari?!" natatarantang labas ni Kristine at Drake mula sa kusina.
" Ah wala... naout of balance ako...." sagot ko
" Nakahanda na ang pananghalian kain na tayo habang mainit pa ang sabaw." Kristine
Inakay ako ni Cecil patungo sa kusina.
" balak mo bang halikan ulit siya Belle?" tanong saakin nito.
" hindi ah... Na out of balance lang talaga ako"
" Bakit pulang pula yang pisngi mo? Woi!... kinikilig ka ano...." biro niya saakin.
" shhh manahimik ka nga... Baka sabihin nilang ano dyan..."
" deny ka pa dyan..."
Kumakain kami pero itong si Axel sa akin lang nakatingin. Hindi tuloy ako makakain ng mabuti.
" mag eenjoy kayo bukas sa pamamasyal natin..." George
" Isasama niyo ba talaga ako? " singit ni Kristine
" Oo naman...tapos itatapon kita sa bangin.." Drake
Inirapan naman siya ni Kristine
" kayong dalawa kanina pa kayo nag aaway... kayo maghugas ng plato.. " utos ni Cecillia sa dalawa.
Magrereklamo sana si Drake ng tinignan siya ng masama ni George.
" sige na nga... mabuti nalang masarap ang tinola..."
" Kakaiba talaga kayo..." George
Sa pagkakasabi niya ay halatang nagulat kami ni Cecillia.
" B-Bakit? A-Ano kakaiba na nakikita niyo?" halos mautal itong si Cecillia.
" Kasi... kaya niyong katayin ng ganun kadali ang isang manok... hindi ba nakakabilib yun? "
-_- akala pa man namin may napapansin siya kakaiba talaga.
Sa pagkatay lang pala ng manok. Tsk
Mayayaman nga naman talaga...