Chapter 2

1672 Words
Belle pov " Anak sa paaralan...wag kang masyadong makikipag usap sa mga lalaki. Yang protection sa iyong mata ay hindi pang matagalan. May oras ang protection kaya pag sumapit ng gabi malulusaw ang contact lens." Ginawan ako ng pansamantalang proteksyon nila Ina upang hindi ako makapagbiktima ng mga lalaki. Minsan ko na din tinanong kay Inay kung bakit ganito ang regalong binigay sa akin. Ang laging sagot nito ay magagamit ko daw ito upang mailigtas ko ang aking sarili sa karahasan ng mga masasamang lalaki. Sabi naman nila ay hindi daw tumatalab sa mga babae. " Nay, sa tutuluyan ko ba sa siyudad ay tahimik doon?" Ngayong araw kasi ang siyang pagbaba namin. Sa Siyudad ako mag aaral Grade 12 na kasi ako ngayong pasukan. Walang grade 12 dito sa aming Probinsya. " Anak ito ang masasabi ko... kahit saan ka pumunta ay hindi mo masasabing tahimik. Sa siyudad maraming tao,mga sasakyan, mga building na wala karamihan dito. Kaya pinapaalahan kita. Ang mahikang taglay mo ay hindi mo pa kabisado. Kaya kung maari ay ang iyong mata muna pansamantala ang iyong gagamitin aa mga masasamang tao. Tandaan mo....alam ng mga mata mo kung ano ang tama.. kung sino ang masasama at mabubuti. " " Nay ako lang ba mag isa doon? " " May makakasama kang pinsan mo. Gaya niya ay may mahika din ito....ipapakilala kita sa kanya. Pareho kayong papasok sa siyudad. " " Tiga doon din po ba siya Nay? " " Hindi... sa ibang probinsya ito. Gaya mo ay hiniling din niyang mag aral sa siyudad. Kaya pumayag na din ako na doon ka mag aaral. " Natuwa naman ako sa sinabi ni Inay. Pangarap ko talagang mag aral doon. Masilayan ang pamumuhay ng tiga siyudad. Hindi dahil ayoko dito sa bundok, gusto ko lang din maramdaman yung normal. Gabi na ng marating namin ang lugar ng Manila. Isang papasok na iskinita kami dumaan nila Inay. " Lola...ano po iyon?" turo ko sa isang umiikot na malaking bilog. " Yan ang tinatawag na Ferrys wheel. Dyan sumasakay ang mga magkakaibigan.... fiesta siguro nila dito kaya may ganyan." " nandito na tayo.... Belle.." tawag saakin ni Inay. Pumasok kami sa isang gate na pula. " Brianna...!" napalingon kami sa taong tumawag kay Inay. " Agusta!.... " tumakbo ito at nagyakapan sila. Bumulong ako kay lola. " sino siya Lola? " " siya ang pinsan ng Nanay mo... siya ang Tiya Agusta mo...nagkalayo lang sila noong nakapag asawa ito sa Norte" Kumaway ako kay Tiya. " Jusme... Siya na ba si Belle? Napakagandang dalaga Brianna...." " Pwede ba tayong pumasok dahil pasapit na ang alas otso...." Nagka tingin silang dalawa. Parang alam na ang ibigsabihin nito. " Naku pumasok na kayo...baka ano pang mangyari..." Sabi ni lola ay apartment daw ang kinuha nila para saaming tatlong magpipinsan. Akala ko ay dalawa lang kami, ngunit sumama din daw ang isa niyang pinsan sa ama. " Anak siya ang Tiya Agusta mo... at ang pinsan mong si Cecillia.. at ang pinsan niyang si Kristine.." pagpapakilala ni Inay sa kanila. " Ito naman ang anak kong si Belle..." dagdaga pa nito. Lumapit bigla saakin si Cecillia... " Hi.... Cecil nalang itawag niyo sa akin. Labing anim na taong gulang. Pinanganak ako sa----" agad siyang pinigilan ng kanyang ina. " Cecillia...nagsimula ka na naman...pagpasensyahan niyo na ang anak ko madaldal lang talaga siya.." Tiya Agusta. " hi....Probinsyana ka din ba? " biglang singit ni Kristine " Oo... sa bundok Maikli ako lumaki." Bigla itong natawa. " Really?? taong bundok ka kung ganun? " sa tingin ko sa kanya ay may pagkamaldita. Base na din sa kanyang pananalita. " anong masama doon Kristine?.. kahit bundok ito lumaki.... maganda naman ito kumpara sa mga dalaga ng Manila." sabat ni Cecillia Umirap lang si Kristine sa pinsan niya. " Tama na nga yan... Ikaw Kristine pumayag akong sumama ka dito, pero kung sakit ka din sa ulo. Pauuwiin kita. " Tiya Agusta. Bigla nalang itong unalis at padabog itong naglakad. Hinawakan naman ni Lola ang kamay ko. Kinumpas ni lola ang kanyang kamay sa pwesto kanina ni Kristine. " Pwede na tayong mag usap, binigyan ko ng pananggalang ang kwarto ni Kristine. Hindi na niya tayo maririnig" Lola. Nakaramdam ako ng init sa aking mata. " Belle... Uminit na ba ang mata mo?" tanong ni Inay. " Opo Nay..." " Saktong alas otso.....Belle, sa ganitong oras siguraduhin mong hindi ka maaabutan sa labas. Babalik sa dati ang iyong mata. Baka makapagbiktima ka ulit." " Bakit Brianna? May nabiktima na ba dati si Belle? " Tiya Agusta. Tumango ito. " Sa kagustuhang makita ang mukha niya ay pinilit siya kaya naging bato ito. " Nagulat naman si Tiya sa kanyang narinig. " Paano niyo nagawan ng paraan na hindi makakaapekto sa pag aaral niya? " " Nakagawa kami ng isang mahika na magagamit lamang niya sa araw... ngunit sa pagsapit ng alas otso... ang mahiwagang mata niya ay babalik muli." Paliwanag ni lola. " Pero ang eskuwelahan nila ay may pang gabi? Paano nalang kung sakali? " Tiya Agusta. " Tiya Brianna.... bakit po ganito ang binigay sa kanya ng Reyna? " Tanong naman ni Cecillia " Sa taglay na ganda ni Belle... panganib ang kanyang dala... Kaya binigyan siya ng isang armas para maipagtanggol niya ang kanyang sarili. " paliwanag ni Inay. " Wow sana all... " Cecillia Napalingon ako sa kanyang sinabi. Nakakaintindi naman ako ng English na salita. Ngunit sa paraan ng pagkakasabi niya ay kakaiba. " Bakit ikaw Ceci? Ano ang binigay sayo? " tanong ko sa kanya. " sabi ni Mama... payat daw ako noon... kaya niregakuhan ako ng malusog na katawan... kaya heto... mahilig kumain ang bisyo ko. Sana ay ganda na din ang binigay. para parehi tayo.. Hehehe" Machubby tignan si Cecillia....sagana sa pagkain kaya siguro kanito katawan niya. Para siyang siopao. " Swerte mo naman... maganda ka na nga binigyan ka pa ng mas magandang mata." bulong naman niya sa akin. " Matang sumpa...." bulong ko. Hindi niya ito narinig kaya nagtanong ito. " ano?" " wala..." ngumiti nalang ako. " Bukas ay sasamahan namin kayo sa University para makapag enrol... Hapon ay siya naman balik namin sa atin..." Inay Nagkwentuhan kami habang kumakain. Hindi nakikisabat saamin sa usapan si Kristine. Tahimik lang itong may hawak na cellphone. Hindi pa ako nagkakaroon ng ganun gadget. Hindi naman ako ignorante para hindi alam. Hindi lang ako mahilig sa ganun. Magbasa ang siyang kahiligan ko. Tig iisang kwarto kami nila Cecillia at Kristine. Tatlong kwarto lang kasi ang meron dito. Malinis ang bahay, pang babae ang ayos. Katabi ko sina Inay pansamantala. Kinabukasan ay maaga kaming nagising. Sinamahan nga nila kami upang mag enrol. Alas sais ang balik ng proteksyon ko sa akin mata ayon sa sinabi ni Inay. Sa University : Maraming estudyante ang nakatambay sa labas at loob ng Universidad. Ang iba ay nakatingin lang saamin. Hindi ako komportableng tinitignan kaya nakayuko lang ako. May sumbrero ang aking Jacket upang maitago ang mahaba kong buhok. " nakakailang naman ang kanilang tingin.." sabi ko kay Cecillia. " Kaya nga... Alam ata nila na dayo tayo." Cecillia " Paanong di kayo titignan...tignan niyo nga suot niyo... Naka rubber shoes na nga naka hood jacket pa ang init init... at ikaw naman pinsan... hindi naman magkamatch yang bulaklakan mong damit sa kulay Orange mong pantalon... kitang kita pa ang medyas... " sita saamin ni Kristine Napatingin naman akong dalawa sa itsura namin. " Kayong tatlo... dalian niyo maglakad dyan... " Lola Tinignan naminng sabay si Kristine. Naka bestida ito at naka sandal. " kawawa naman tayo Belle... " Natawa naman ako kay Cecillia. Pagkatapos naming mag enroll... ay sa lunes na daw ang pasukan. Kaya may dalawang araw pa kami para maghanda. Hapon na ng mag paalam sina Inay.... " Anak... Mag ingat ka dito ha... Ito nga pala ang pwede mong magamit para kapag may problema ay makontak mo agad kami." iniabot saakin ni Inay ang isang cellphone. " nay hindi ko naman kailangan----" " Anak... kailangan mo ito dito.... naisave ko na ang mga pwede mong matawagan kung sakaling may kailangan ka. " Niyakap ko si Inay... " salamat po Nay... " " Apo...ang bilin namin sayo ha.. wag na wag mong kakalimutan." niyakap ko din si Lola. " aalis na kami... naayos ko na ang mga gamit mo...maging ang mga pagkain ay naayos ko na sa kusina na niyo... kayong tatlo... Mag behave kayo... Ayokong gabing gabi ay nasa labas pa kayo.." dagdag pa ni Inay. " No problem po...." sagot ni Kristine. " Akong pong bahala kay Belle.... " Cecillia " Oh siya.. Aalis na kami... Agusta., mauuna na kami... " " Mag ingat kayo... Tita... Brianna.. Mamaya ay susunod na din ako. " Sumunod din kinagabihan si Tiya Agusta dahil pang gabi ang nakuha niyang ticket sa bus pauwi sa. Norte. Marami din itong habilin sa nag iisa din anak na si Cecillia. Gaya ni Cecillia ay malusog sin tigna si Tiya Agusta. Napatingin ako sa Cellphone na binigay sa akin ni Inay. Wala akong idea sa paggamit. Kaya nagpaturo ako kina Cecillia. " Seryoso Belle? Never ka pang gumamit ng cellphone?" Kristine " Hindi naman kasi inportante.... wala din naman akong kaibigan para nakontak." " Pwes ngayon meron na..." Cecillia Tinuruan nga nila ako. " alam niyo... uso ngayon yung dating app..." Kristine " Natry mo na? " Tanong ni Cecillia kay Kristine " Oo naman... nakikipag meet pa nga ako noon sa Norte..." " Ikaw Belle gusto mo ba itry din natin? " Umiling ako. " Hindi pwede... Delikado... " diniinan ko talaga ito para magets niya ang ibig kong sabihin " Ahhh... Oo nga pala..." " Why?? Bawal pa ba sayo? " Kristine " Bawal pa siyang mag boyfriend... kaya ako nalang hahaha.... " Napangiwi naman si Kristine sa sinabi ni Cecillia. Malalim na ang gabi ngunit hindi pa ako makatulog. Papikit na kasi ako ng biglang sumagi sa isipan ko ang mukha ng lalaki sa Talon. " Bakit kaya dumaan ka sa isipan ko? "
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD