Pauwi na kami sa makati at ang ingay nila sa likod. Si Ella at Christoff ay nagbabangayan pa rin na parang aso at pusa.
Magkatabi sa upuan si Vincent at Megan, nagkaaminan lang na crush nila ang isat isa naging sweet na.
" Did you enjoy..?" tanong ni Harris sa akin.
" Yeah,, medyo napagod nga lang,, matutulog siguro ako ng maaga ngayon.." sagot ko sa kanya.
" Okay,, tomorrow na kita susunduin , "
" Oo nga pala, di pa ako nakapagligpit ng mga gamit ko. "
" Bukas mo na lang gawin, take a rest. Ayokong napapagod ka." malambing niyang sabi.
Tahimik lang kami, at natahimik din sila sa likuran. Nakakabingi na ang boses ng dalawa, akala ko di sila titigil kakabangayan.
After 2hours nasa bahay na kami.,
" Byee sisss,, " paalam nila.
Nag wave lang ako ng kamay at pumasok na sa loob.
Pagod na pagod ang katawan ko at inaantok pa. Umakyat na ako sa taas at dumiretso sa kwarto para matulog.
Nagising ako ng alas kwatro ng madaling araw. Naligo ako at bumaba para kumain, ngayon ko lang naramdaman ang guto.
" Good morning iha,. "
" Good morning din po manang,. "
" Di na kita ginising kagabi, alam ko napagod ka sa outing niyo."
" Oo nga po ehh.. "
" Ngayon kana pala lilipat sa bahay niyo ni Harris. "
" Opo,. pero papasyal pa rin ako dito manang. "
" Hindi ko lubos maisip na bubukod kana sa amin,. "
" Mamimiss ko po kayo,. pero pwedi niyo po akong dalawin doon manang. "
" Talagang pupunta ako doon,. Basta iha, ingatan mo ang sarili mo,. "
" Manang di po ako pupunta sa malayo, lilipat lang po. "
" Alam ko naman, yun ang ibig kong sabihin, wag mong isuko ang iyong bataan hanggat nag aaral ka pa lang. "
" Manang naman, hindi po yun mangyayari, mabait si Harris at alam kong nirerespeto niya ako."
" Alam ko naman iyon,. lalaki siya iha, matutukso at hindi mapipigilan ang sarili."
" Wag po kayong mag alala, dahil ako po mismo ang iiwas. Engaged man kami at alam ng magulang namin ang relasyon namin. Hindi pa po ako handang gawin ang bagay na iyon, dahil di ko pa po nasisigurong ako na talaga ang babaeng mamahalin ni Harris. "
" Bakit mo naman nasabi iyan iha..?"
" Dahil hanggang ngayon, binabakuran pa rin siya ng ex niya. "
" Ayy susmaryusep. "
" Kaya nga ho nung sabado , sa totoo lang wala akong balak na sumipot sana. Pero ayokong mapahiya ang magulang ko at sila Tito Rico. Kilala sila at high profile ang mga business partners nila. Nung gabing yun, wala po akong ibang inisip kundi ang kapakanan ng magulang ko. Na nandun ako dahil yun ang hiling nila sa akin. Wala ho sa isip ko na may relasyon kami ni Harris. "
" Alam mo iha, napaka buti mong anak,. Kaya mong ipagpalit ang kaligayahan mo sa kaligayahan ng magulang mo. Napalaki ka talaga nila ng maayos kahit na kapwa sila busy sa trabaho.."
" Kaya nga po ako bumabawi sa kanila, kahit pa sariling kaligayahan ko ang nakataya. "
" Napaka matured. muna talaga,. Parang kailan lang hinahabol kita dahil ayaw mong magpabihis. Ngayon dalaga kana at magkakaroon na ng sariling pamilya pagdating ng panahon. "
" Hindi ko rin po inaasahan ang mga nagyari manang,. Siguro ito yung nakatadhana sa akin ."
" Siguro nga iha., Paano, kailangan muna kitang iwan , may gagawin pa ako."
" Sige po manang.. "
Matapos naming mag usap ni manang ay umakyat na ako sa taas para iligpit ang mga damit at gamit ko.
Habang nagliligpit ako tumunog naman ang phone ko.
" Hello.."
" Good morning wife."
" Good morning "
" Did you eat breakfast ?"
" Done,. I'm packing my stuff now."
" Okay, I'll be there in about 30 minutes breakfast lang ako. "
" Okay,. "
" I love you."
" I love you too.."
Pinatay ko na ang tawag at nagpatuloy sa pagliligpit.
Maging maayos kaya ang pagsasama namin ni Harris..?