ZINN POV Nandito na ako sa lumang bodega, madilim pero nakikita ko ang mga bantay sa paligid. Talagang pinaghahandaan ni Ash ang pagdating ko. And daming bantay, maingat akong naglakad palapit sa isang lalaki na naka talikod. Nasa likod na niya ako at agad kong tinakpan ang bibig niya sabay inikot ang ulo niya. Hinila ko siya sa madilim na lugar. Gaya nang ginawa ko sa isa gano'n din ang ginawa ko sa iba niyang kasama na nagbantay. Wala nang bantay sa labas, tinali ko naman ang mga napatulog ko para hindi sila makatakas kung magising. Dahan-dahan at maingat akong naglakad papunta sa loob. May kaunting liwanag ng ilaw, sapat na 'yon para makita ko ang dinadaanan ko. "Harris na saan ka?" Tanong ko sa aking isip. Umakyat ako sa taas baka doon nila dinala si Harris. "May kalaban!" Sigaw ng

