WENDY POV Gabi na ako nagising, sila Audrey at Ella wala na sa kama na hinihigaan nila. Bumangon ako at pumasok sa banyo para maligo. Pagkatapos bumaba ako, marami na ang mga bisita na nagsidatingan. Halos nagsisikan na sa loob ng sala kaya naglagay ng tent sa labas mga mesa at upuan hanggang kalye. Halos mapuno din ng sasakyan sa ang kalsada. Ganito karami ang nakikiramay sa pamilyang Wallace. Dumating na din ang Harrington family, sila Megan at pamilya ni Trisha. "S-sis," tawag nila Megan. Naka upo sila sa harapan ng coffin ni Zinn at mugto ang mga mata. "Condolence, hindi namin inexpect ang nangyari. Shock ako nang mabalitaan ko, sinabi ni Tita Hannah sa amin ang nangyari." Garalgal ang boses niya. "Lahat naman tayo ay hindi inaasahan ang pangyayaring 'to. Sino ba naman ang mag

