"What?!" "Yeah, kaya halika na rito bago pa mangulit 'yong magdrive." "N-no Jolo. I can't." "Sinabi niyang tapos na raw kung ano'ng meron kayo. Is it true?" "Yeah." Napabuntong hininga si Dorothy sa kabilang linya. "Hindi niyo na ba talaga maaayos 'yan? What happened?" "M-mahirap ipaliwanag eh. Sorry, hindi ako makakapunta, nandito ako sa Batangas." Jolo heard Kiel uttered some unprintable oath. Alam nilang sa sinabi ni Dorothy ay imposibleng masundo nito ngayon ang lalaki. May lakad kasi ang bawat isa sa kanila after this bar-hopping. Kung hindi man tutuloy sa mga hotel ay dideretso ang iba sa resort na pag-aari ng pamilya ni Greg. And they would't want to babysit a drunk man. "Hindi niyo na ba talaga maayos 'yan?" Ani Jolo pagkaraan ng ilang sandali. "Not anymore Jolo. But I

