Nagpahatid si Kirsten kay manong Jun. Isa sa mga sasakyan ni Hunter ang ginamit nila. Namimiss na rin niya ang sariling sasakyan. One of these days ay susubukan niyang makiusap kay Hunter na kunin ang sarili niyang sasakyan upang iyon na lang ang gamitin niya. Nagpahatid muna siya sa bahay niya upang kumuha ng mga damit. Puro bili kasi ni Hunter ang lahat ng damit na suot niya ngayon. Kakat'wang hindi niya gaanong namiss ang sarili niyang bahay. Was it because Hunter's house had become her new home? Natatawa siyang iwinaksi iyon sa isipan. Malinis pa rin ang bahay bagama't may nakita siyang mga alikabok sa mga muwebles at ilang appliances. Wala siyang kasambahay ngunit lingguhang mayroong pumupunta roon para maglinis at maglaba ng mga damit niya. Pero hindi naman niya iniaasa lahat ng

