Mabato ang ginapangan ng lahat upang makapasok sa b****a ng kuweba na parang lagoon dahil sa loob niyon ay may tubig na hanggang taas ng bewang ang lebel. Ngunit hindi naman iyon masakit sa katawan dahil makinis at maliliit ang mga bato. Nasa shade ng gray at blue ang kulay ng maliliit na batong iyon kayat 'pag nagsama-sama ay maganda sa mata. Nahuling pumasok sina Hunter. Pinauna siya ng lalake habang inaalalayang makalusot sa b****a. Pahigang pumasok si Kirsten. Talagang makipot ang b****a kaya't kaunti at hindi sinasadyang pag-angat lang ng ulo niya ay tiyak na tatama ito sa magaspang na bato. Ilang sandali pa ay naramdaman ni Kirsten ang malamig na tubig sa paa niya, palatandaang malapit na siyang makababa sa tila lagoon ng kuweba. Rinig niya na at bahagyang nasilip ang nagkakasiyaha

