Kirsten's POV "Sure po kayo ma'am?" Nag-aalangang tanong ni Agnes nang sabihin kong ako ang magluluto ng agahan ni Hunter. "Oo nga. Ano ka ba, wala kang katiwa-tiwala sa akin." Natatawa kong biro. Ilang saglit lang at tinantanan niya na rin ako. Ang sabi nito ay pihikan ang lalaki sa pagkain. Hindi ako ganoon kagaling magluto, sakto lang. Tinanong ko kung ano'ng usual breakfast ni Hunter dahil iyon ang lulutuin ko ngayon. Medyo binilisan ko ang paggalaw para sakto paggising ng lalaking iyon ay luto na. Pagkatapos kong maluto lahat ay inayos ko na ang mesa. Pati pala sa plating ay mapili ang lalaki. Nang maihanda ko ang lahat ay hindi pa rin bumababa si Hunter. Umakyat ako para ayain siya. Nang buksan ko ang pinto ay bumungad sa akin ang lalaki, wearing his business attire at kasaluk

