Five Years “Irisha, huwag kang magulo. Hindi kita maipitan nang maayos.” Ngumuso ang aking anak nang aking pagsabihan. Tumigil siya saglit sa paggalaw-galaw habang nakaupo sa harap ng tukador. Pinaglaruan niya ang mga cute sticker sheets na nakalapag sa lamesa. Binilisan ko ang pagsuklay at pag-ipit sa kanyang buhok bago pa siya muling gumalaw at maglikot. At gaya nga ng inaasahan ko, wala pang tatlong minuto ay muli siyang gumalaw-galaw habang nilalaro ang stickers at kinakanta ang Alphabet song. “Irisha…” muli kong saway sa kanya, pinipigilan ang sariling mangiti dahil baka hindi niya ako seryosohin. “Sorry, mommy,” she said in a very cute voice, then sat still again. It was already half past six and we should be already on our way before seven. Kaya nga lang ay kahit gaanong ka-ex

