Chapter 13 -Mannix- Sa paglipas pa ng ilang linggo ay hind tumigil sa Kristel na pag-sunod at pagsama sa mga lakad ko, nakausap ko na rin ang mga magulang nito at nalaman kong may pinag-dadaanan ang kanilang anak. Iniwan pala ito ng dati nitong nobyo at sumama sa ibang babae, kaya naisipan nitong magpakamaty dati dahil sa nagkaroon ito depression. Masyado daw nitong mahal ang dating nobyo kaya hindi kinaya ni Kristel ang kanilang paghihiwalay. Nakaramdam naman ako ng awa sa dalaga, kaya pinagbigyan ko muna ang mga magulang nito. Isinaman ko na rin ito sa iba’t-ibang meeting ko, dahil sabi rin ni Mommy ay magiging ka partner din namin ang mga ito, kaya dapat lang na alam na rin nito ang mga bagay-bagay at para na rin ito malibang at hindi nito maisip ang dating nobyo. Pero pagdating s

