Ganoon na lang ang gulat ko nang makita ito... pakiramdam ko ay nanumbalik bigla ang nakaraan ng kahapon... si Sameer... nandirito siya... Inulan ako ng mga papuri mula sa mga taong ito nang salubungin nila kami nang makababa na kaming buong pamilya mula sa stage ngunit ang isip ko na kay Sameer na hanggang ngayon ay nakatingin lang sa akin, hindi lang tingin kundi titig na pakiramdam ko'y ikalulusaw ko. Nandito pa rin pala sa akin ang kakaibang pakiramdam ko noong sa tuwing nandiyan siya, nakatitig at nakamasid lang sa bawat galaw at pag-kilos ko. Ito iyung pakiramdam na bukod sa nakakatunaw at nakaka-ilang ay nakakalambot din ng tuhod. "We're so glad you already found your beautiful long lost daughter. Ginulat niyo kaming lahat na nandito ngayon," saad ng isang business tycoon na kau

