Pinaningkitan lang siya ng mata ni Kihaan at si Mama naman ay umiling batid niyang 'di talaga niya makakaya tanggapin si Sameer kahit na anong sabihin pa nito at si Papa naman ay nanatiling seryoso lang. "Young man," tawag sa kanya ni Papa. "Ipinamumukha na nga sa iyong hindi ka namin tanggap para sa anak ko, pero heto ka pa rin, you are willing to fight for what you wanted na alam nating 'di mo makukuha." "Mr Demerciaga, Sir... h'wag muna tayong magsalita ng tapos, 'di pa tapos ang laban kaya nga rin ako nandito ay para patunayan ang sarili ko kung gaano ka-tigas ang mukha ko," saad ni Sameer dahilan para manlaki na lang ang mga mata kong napatitig sa kanya. Si Mama na napa-awang ang bibig, si Kihaan naman na sinamaan siya ng tingin at si Papa na bigla namang napa-ngisi. Ngising hindi

