Ilang araw rin ang lumipas naging normal na araw naman sa bahay, si Mama ay casual sa akin makipag-usap kahit matapos ng naging mainit naming pag-uusap nang gabing iyon patungkol sa pag-amin ko sa totoong nararamdaman ko para kay Sameer. Si Kihaan naman ay nanatiling lamig sa akin, bihira niya ako kung kausapin madalas na ay nilalagpasan niya lang ako at kapag gusto kong makipag-usap sa kanya agad niya akong tinatalikuran... Hindi ko alam kung paano ko ba siya kakausapin gayong mukang ayaw niya naman akong kausap. Alam ko masama lamang ang loob niya dahil siya mismo ang nakasaksi ng ginawang kahalayan sa akin ni Rahul ngunit... hindi naman kasi nga siya si Rahul... si Sameer ito na pinaguusapan namin... ang binatang sinikap akong ma-protektahan at wala namang hinahangad na masama sa 'kin

