Chapter 41: Please Give Up Zeph's POV Habang umaalingawngaw ang palahaw ng iyak ni Mace sa buong kwarto ni Roxanne dito sa ospital, lihim akong napapangiti. Sa wakas, natalo ko siya. Ngayon ay yakap siya ni Kris, pinipilit patahanin. Sana lang ay matanggap na niya ang pagkatalo niya. Nu'ng pagkatapos kaming magkausap ni Tyron ay nagulat ako sa biglang pagsulpot ni Kris. Sabi niya sa akin ay itatama na daw niya ang mga pagkakamaling nagawa niya kaya pinapunta niya kami ni Ranz dito sa ospital kung nasaan si Rox. Sa pagtatagpong ito, isang tao lang ang inaasahan kong magpakita dito. Si Tyron. Kinausap ko na siya na magpakita din ngayon dito upang matapos na ang paghihiganti ni Mace, dahil pare-pareho lang kaming nasasaktan at nahihirapan sa ginagawa niya. Maski ang kanyang sarili ay na

