Chapter 38: Is it the end? Zeph's POV Masakit isipin na sa tuwing papasok ako, wala siya. Sa tuwing uupo ako sa aking upuan, wala ng ngingiti sa akin at babati. Kapag kakain ako ng breadstix, wala ng pupuna sa akin na madami na akong nakain nito. Kapag uwian, wala ng mag-papaalala sa akin na sabay kaming uuwi... Wala na... Roxanne, bakit kailangang mangyari ito sa iyo? "Hanggang kailan ka magkukulong dito, Zizi?" Hindi ko na nilingon si Jaz, nanatili akong nakatingin sa kawalan. Bukod sa akin, siya lang ang nagpupunta sa bahay ni Roxanne kapag nangungulila. Ang totoo, halos dito na nga ako mamalagi. Lumapit siya sa akin at naupo sa tabi ko, ramdam ko ang titig niya sa akin pero hindi ako gumanti ng tingin. "Alam mo ba, pareho kayo ni Roxy." Sa pagkakataong ito ay nilingon ko na si J

