Chapter 32: Really? Zeph's POV Hindi ko maiwasang hindi mairita sa ngiti at galak nitong si Senon Sebastian sa akin. Nakakabwisit talaga. Hindi ko din maalis ang masamang tingin ko sa kamay niya na nakahawak sa kamay ni Rizza na hindi ko maalala ang full name. Sana pala do'n nalang ako nanatili sa kuta nila Zild, 'di nalang ako umuwi dito. Bwisit. "Kami na for real, Zeph. Salamat sayo! Akalain mo 'yun? Ang tagal kong nanligaw sa kanya halos tatlong taon mula nu'ng junior high palang kami tapos dumating ka lang sinagot na ako? Yes! Hahaha." Ani Senon. "So being HIS girlfriend, I have my own rules." Taas noong sabat ni Rizza kaya lalo akong nairita. Hindi ko alam pero biglang naging malandi na ang tingin ko sa kanya. Bwisit, "You should stay away from my boyfriend, Zephaniah Hernandez.

