Chapter 58: Beat my Bestfriend Zeph's POV Nagulat nalang ako nang biglang hagisan ni Claude si Kris ng kanyang baraha. Pero dahil alerto si Kris ay agad niya itong nailagan. Ngisi lang ang ginanti ni Kris saka umabante ng bahagya sa amin, patunay na siya naman ang lalaban kay Claude. Agad na sumalungat si Mace sa ginawa ni Kris. "Kris. Hindi mo kailangang—" "One of my dream is to beat my bestfriend... Kahit hindi ko alam kung bestfriend pa din ba ang turing niya sa akin ngayon." Agad niyang putol sa sinasabi ni Mace. Humalukipkip ako. Gusto kong pigilan ang sarili kong magsalita na din, alam kong ayaw ni Mace na makitang naglalaban si Kris at Claude at kahit ako ay hindi ko din naman ito gusto pero siguro nga nakatadhana na magharap silang dalawa. "Matapos mo kong talikuran at trayd

