MEGAN NAPALUNOK ako ng lihim sa huling sinabi sa akin ni Celine. Hindi ko inaasahang masasambit niya ang mga salitang 'yon sa harap ko, wala naman siguro itong alam tungkol sa amin nang asawa niya. Dahil kung mayroon man baka kanina pa ako sinabunutan ni Sabrina. Malabo rin naman mangyari ang bagay na 'yon at wala akong natatandaang sandaling pwedi kami nitong makita ni Wade. Imposible rin ang araw na 'yon kung sakali. Hahayaan ba nitong makalayo ang asawa niya na walang kumpirmasyon? Hindi! Dahil kung ako hindi ko hahayaan 'yon, baka nakalbo ko pa ang kasama nito. "Uhm! By the way. I have to go na. May pupuntahan pa kasi ako," paalam ko sa kanilang dalawa ni Sabrina. "Sure ka?" "Oo eh! Mahirap na rin may makakita sa aking paparazzi rito. Alam niyo na," ani ko pa. Napansin ko a

