CELINE
NAPANSIN ko si agad si Wade sa labas ng apartelle—sa ayos nito mukhang may kausap ito sa cellphone nito.
Napakunot-nuo ako at hindi man lang ako napansin nito hanggang sa nakababa ako ng tuluyan.
"W-Wade..."
Napalingon itong bigla sa gawi ko—may nakita akong pagkabigla sa mukha nito sa biglaan ko sigurong paglapit sa kaniyang hindi niya man lang namalayan. Hindi rin nakaligtas sa mga mata ko ang biglaan nitong pagbaba ng cellphone nito.
"M-may problema ba?" tanong ko kay Wade.
Sinundan ko ng tingin ang kamay nito hanggang sa ipasok sa bulsa ang bagay na sinusundan ko ng tingin sa kaniya.
"Okay ka lang ba?" tanong ko pa.
"Yes! Kausap ko lang si Grace, nagtatanong lang ako ng ilang mga bagay about sa upcoming meetings pag balik natin," anito sa akin.
Napangiti na lang ako sa sagot sa akin ni Wade, kasabay ang sunod-sunod na pagtango. Naniniwala naman akong si Grace nga ang kausap nito at wala naman itong ibang pweding kausapin pagdating sa trabaho dahil ang babae ang matagal ng sekretarya ng asawa ko.
Nagpasya na akong muling pumasok sa loob nang maramdaman ko ang malamig na hangin sa labas.
Narinig ko ang mga yabag ni Wade na nakasunod lang sa akin.
"Tapos ka na ba, Mahal?"
"Yes. Oo! May niligpit lang akong ilan sa mga gamit natin kaya medyo natagalan ako," sagot ko sa kaniya.
"Sa labas tayo kakain 'di ba?" tanong nito.
Bigla ko naalala ang bagay na 'yon, ako nga pala kanina ang nag-desisyon sa pinaalala nito.
"Okay lang ba sa 'yo? Para diretso na rin sana tayong makapagpahinga pagdating," aniya ko sa kaniya.
"Oo naman. Para hindi ka na rin mapagod," sabi sa akin.
"Sigi!"
"Magbibihis na lang ako, nakalimutan kong aalis pala tayo kaya nagsuot na ako ng pantulog," natatawang sabi sa akin ni Wade.
---
WADE
KABA ang naramdaman ko nang hindi ko namalayang naabutan ako ni Celine na kausap si Megan. Mabuti na lang din at wala itong kahit na anong narinig mula sa akin.
Sinundan ko ng tingin si Celine, nasa kusina na ito. Kumuha ito ng isang basong tubig at tinungga na nakaharap sa akin—may ngiti sa labi nito.
"Gusto mo ba ng tubig, Mahal?" tanong nito.
"Please—" ani ko sa kaniya.
Kinuha ito ng isang baso at nilagyan—inabot sa akin.
"Salamat, Mahal..."
Umupo ito patabi sa akin.
"Ano naman ang una mong gagawin pagbalik natin?" tanong ko sa kaniya.
"Wala naman, Mahal... Gusto ko lang siguro dalawin si mommy and daddy. Na-mi-miss ko na rin sila e," sagot nito sa akin.
"Gusto kitang samahan," ani ko sa kaniya.
Itataon ko na lang siguro ang araw na 'yon pagkagaling ko kay Megan—wala pa naman kaming usapan kung kailan kami magkikita pero gusto ko sana ang samahan pa si Celine sa mga gusto niyang puntahan.
Kahit nananabik ako kay Megan, hindi ko hahayaan ang asawa ko sa mga kailangan nitong gawin.
"Siguro ka ba? Baka gusto mo muna ayusin ang trabaho mo."
"No! My work can wait naman e. Ang mahalaga madalaw natin si mommy at daddy..."
"Sigi! Wala naman problema sa akin, kung gusto mo rin dalawin natin ang parents mo after. Ayos ba 'yon?"
"Good idea, Mahal."
Napangiti kami sa isa't isa. Tumayo ako at nilahad ko ang kamay ko sa kaniya.
"Pwedi ko bang maisayaw ang aking asawa?" alok ko sa kaniya.
Tiningnan nito ang kamay ko at ilang sandali tinanggap naman nito, tumayo si Celine sa harap ko—nandoon ang mga ngiti sa labi niya.
Hinawak ko ang kamay ko sa balikat nito at ang kaniya naman ay nilagay sa beywang ko.
Sumayaw kami ni Celine kahit na walang pumapailanlang na tugtugin. Sapat na para sa akin ang naririnig kong t***k ng puso ng asawa kong nasa harap ko—nangungusap ang mga mata ni Celine na nakatingin sa akin.
"I love you, Celine_"
"I love you too, Wade..."
Dinantay ni Celine ang ulo niya sa balikat ko. Napapikit ako sa mga isiping sumilay sa isip ko.
I just want to say sorry to Celine, for everything that I did to her.
Binaling ko ang tingin sa kawalan nang magmula ang aking mga mata—halos magkayakap pa rin kami at kunwang sumasayaw na ang tugtugin ay t***k ng mga puso naming dalawa.
---
MEGAN
HANDA na ang lahat ng binilin ko kay Aleng Mameng. Everything is under control.
Pinadala niya sa akin ang larawan na kuha nito mula sa lahat ng pinahanda ko sa kaniya at mabuti naman dahil nakuha naman lahat nito ang nais ko.
Kahit kailan hindi talaga ako binigyan nito ng sakit sa ulo kung ano ang binibilin ko 'yon din ang ginagawa nito.
Malaking bagay para sa akin 'yon dahil hindi na kailangan pa sumakit ng ulo ko.
Wala na akong aayusin pag balik ni Wade sa Manila at agad kaming pupunta ng Tagaytay tulad ng orihinal kong plano.
Hindi ko pweding dalhin ito sa bahay ko sa Mandaluyong o sa sarili kong condo sa Cubao.
Sa ngayon kailangan kong mag-ingat, kailangan namin mag-ingat kasal na ito kay Celine at maaaring hindi pweding may makakilala sa amin sa kung saan-saan na lamang kami magkikitang dalawa.
Tagaytay is the safest place that I know.
Napasinghap ako. Siguro kasalanan ko rin, dahil hinayaan kong magpakasal si Wade kay Celine. Sabihin pang wala akong karapatan pigilan ito, hindi dapat ito nagpatali ng ganoon kaaga.
"Handa na ang pagkain mo, Megan—" untag sa akin ni Agnes.
Nilingon ko ang tinutukoy nitong pagkain, nakahanda na nga ang lahat sa may study center table ko.
Plano kong dito kumain sa dressing room, tinatamad akong lumabas ngayon.
"Thankyou," aniya ko kay Agnes.
Umalis na ito pagkatapos magbilin sa akin na tawagin ko siya kapag aalis na kami. Mamayang alas-dyes pa ang pack-up ko gusto kong tawagan sana si Wade nagdadalawang-isip lang ako at baka kasama na nito si Celine dahil sa biglang pagbaba nito ng tawag nito kanina ng walang paalam.
Ganoon madalas si Wade at ayos lang naman sa akin para na rin masiguradong ligtas ang lahat sa amin.
NAALALA ko na naman ang mga sandaling nagkakaharap kami ni Celine noon sa unibersidad—mahirap pa rin para sa akin kalimutan ang lahat.
Kung sa tingin niya ganoon kadali ibaon ko sa limot ang mga sandaling 'yon nagkakamali ito.
Marami ang mga pangyayaring hinayaan akong ilampaso ni Celine sa kung ano mang paghaharap namin.
Maganda ito wala naman tulak kabigin kung pisikal na anyo lang ang pagbabasehan naming dalawa. Ang hindi ko lang matanggap kung bakit sa kabila ng kasimplehan nito, nangingibabaw pa rin siya sa lahat.
Para sa akin luto ang kahit na ano'ng paligsahan na nangyayari sa aming dalawa—madalas lang iyong paburan kahit na ako dapat ang mas karapat-dapat manalo sa lahat.
At hanggang ngayon siniswerte pa rin ito sa pagkakaroon ng isang Wade sa buhay nito.
She almost have everything the life that I wanted.
Pati ba naman si Wade—inagaw nito sa akin wala na talaga itong tinira noon pa man.
Bagay na hindi ko hahayaan ngayon, hindi man mapasaakin ng tuluyan ang asawa nito sisiguraduhin kong ibibigay ko sa kanya ang leksyon na para sa kaniya.
Hindi lahat sa buhay pwedi mong makuha, hindi lahat ng swerte mapupunta dito.
Napangiti ako.
'I'll make sure! Ang lahat ng pagkabigo ko ipaparamdam ko sa 'yo Celine!' bulong ni Megan sa kaniyang sarili.
Buo ang loob niya na mangyayari ang lahat ng plano para sa babaeng noon pa niya pinagtataniman ng sama ng loob sa napakaraming masamang aspetong para sa kaniya kagagawan nito.
Tumayo na siya para puntahan ang pagkaing hinanda ni Agnes para sa kaniya. Diet siya ngayon dahil na rin sa nararamdaman niyang bumibigat na timbang nagdaang buwan.
Sunod-sunod ang party sa kanila bukod pa r'on ang ginawa niyang stress eating dahil sa nalamang pagpapakasal ni Wade kay Celine.
---
CELINE
INALALAYAN akong makaupo si Wade pagkatapos namin kunwang sumayaw kahit na walang tugtugin.
I feel special for this simple moments lang.
Matagal ko na rin hinihintay ang sandaling 'to galing sa kaniya—simpleng gestures na panghabambuhay ang ala-alang iiwan sa akin sa paglipas ng mga sandaling mayroon kaming dalawa.
"Nagugutom na ako, Mahal," untag ni Wade.
Napatingin ako sa cellphone ko—oras na pala para kumain kaming dalawa. Mabilis akong tumayo at sinuot ko ang hinandang jacket ko sa sofa.
"Kain na tayo para makapagpahinga tayo ng maaga," aniya ko kay Wade.
Nilahad nitong muli ang kamay niya sa harap ko.
"Let's go, Misis," anito sa akin.
I smiled at him—ang sarap sa pakiramdam na matawag na asawa ng isang lalaking una at sigurado na akong aking huling mamahalin.
Tinanggap ko ang kamay nito at pinagdaup-palad nito, nagpatiuna sa akin si Wade.
Ito na rin ang nag-lock ng pinto namin.
Kapwa lang naman kami may sariling susi ng apartelle na 'to. Ang bahay na nagsilbing bahagi ng buhay namin ni Wade sa lugar na 'to.
Tulad ng sabi ng asawa ko muli kaming babalik dito para sa maraming ala-ala na bubuuin pa naming dalawa.
Hindi kami magsasawa at mapapagod na bumuo ng maraming sandaling magkasama—ito ang una and probably na hindi rin ito ang magiging huli.
"Ano ang iniisip mo, Mahal?"
"Our moments there, Wade—"
"Kung ano man 'yang naiisip mo. Huwag mong alalahanin marami pa naman sandali hindi ba?"
"Oo naman! Natutuwa lang ako at nangyari lahat ng 'to!"
"Malaking bagay din ang naitulong mo. Hindi ko rin makakayang dito mangyari ang kasal natin kung hindi dahil sa naging ambag mo hindi ba?"
"Of course not! Savings din naman natin 'yon. Syempre din dahil sa tulong na rin ng mga magulang natin. That's why I'm so thankful for them, Wade..."
"Lucky enough, Celine!"
"Oo nga eh! Mas naging masaya ako dahil sa kapwa pamilya natin na hindi tayo nahirapan sa isa't isa at natural na magkasundo talaga sila..."
Tama ang sinabi ko kay Wade—noon pa man kahit noong magkasintahan pa lang kaming dalawa ang parents ko at ang magulang nito ay kapwa malapit sa isa't isa.
"Ang swerte lang ng magiging mga anak natin, Mahal..."
Naisip ko rin ang bagay na 'yon.
Sadyang hindi pa siguro ibibigay 'to ngayon pero sa paglipas ng mga panahon na may ma-di-diskubre pa kami ni Wade sa isa't isa baka ibigay na sa amin ang parehong hiling ng mga puso nami.
Naramdaman ko ang higpit na paghawak ni Wade sa mga kamay ko. Madilim na ang parte ng daan kung saan kami naglalakad palabas sa may highway kung saan may kainan na pwedi namin dayuhin.
Ito naman ako natatakot sa lugar na 'to at ramdam ko naman ang safety ng buong paligid—araw man o gabi.
Mas naging ramdam ko pa ito at si Wade ay nasa tabi ko.
"Malapit na tayo," ani ko kay Wade.
Tanaw ko na ang lugar na may ilang mga taong nasa labas ng lugar na tinutukoy ko rito.
Papasok na kami sa loob nang napansin ko agad ang ilang babaeng nandoon—kay Wade agad nakatutok ang tingin ng mga babaeng nagkukumpulan sa isang pahahang mesa ng lugar.
"Lapitin ka pa rin talaga..." malakas kong bulong kay Wade.
Binitiwan ko ang kamay nito at mabilis na tinungo ang bakanteng mesa na pandalawahan lang—iniwan ko si Wade matapos ko sabihin ang mga salitang 'yon.
Hindi ako dapat magalit sa asawa ko at wala naman itong ginagawang para mapansin ng ilang mga babaeng nasa paligid namin.
Sadyang totoo lang talaga ang sinasabi kong lapitin pa rin ito kahit saan na lamang kami magpunta—walang pinagkaiba ang sandaling 'to sa lahat ng mga sandali sa buhay namin noong magkasintahan pa lang kaming dalawa.
"Mahal..."
"Mag-order ka na, nagugutom na ako!" ani ko kay Wade.
Hindi sinasadyang mapatingin ako ng masama sa mga babaeng 'yon. Kapwa nakasunod pa talaga ang mga tingin nito kay Wade—hindi na nahiya, aniya ko sa aking sarili.
"Kahit saan na lang!" muli kong untag sa sarili ko para sa sitwasyon.
Mabuti na lang palang hindi na kami umalis ni Wade at hindi pa sana mabilis na nasira ang gabi kong 'to.
"Mahal—"
"Mag-order ka na para makaalis na tayo rito!" singhal ko sa kaniya.
Kitang-kita ko ang mabilis na pagtalikod ni Wade mula sa akin at hindi rin nakaligtas sa mga mata ko ang pagpalitan ng mga tingin ng ibang kababaihang nasa may 'di kalayuan lang namin.
Napataas kilay ako, gusto kong maramdaman ng mga 'to na ang pagmamay-ari ko ay pagmamay-ari ko.
---