Chapter 19

1047 Words

CELINE BUONG-gabi kami halos hindi nag-usap ni Wade. Hinayaan din nito ang pananahimik ko, bagamat magkatabi lang kaming dalawa sa kama. Maaga akong gumising at tulog pa siya. Alam kong may pasok ito dahil nakahanda na ang gamit sa pagpasok niya kagabi bago kami matulog. Ako nga nga sana ang maghahanda n'on, nag-boluntaryo lang siya at baka raw pagod ako galing kina mama. Hinayaan ko rin kung ano ang gustong gawin nito, nauna na rin akong natulog sa kaniya nagdaang-gabi at hindi ko na siya hinintay pa. Wala na rin kaming napag-usapan pa. Hindi na rin siya nagtangkang makipag-usap pa tungkol aa mga pinakita ko. Mainam na rin 'yon para sa akin, hindi ko rin kasi kailangan mag-imbento pa ng kung ano-ano. Inayos ko na lang ang almusal ni Wade. Sa ganitong paraan makabawi lang din ako

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD