Chapter 16 : Bibliya

1060 Words

CELINE HINDI ko na nakuhang tapusin pa ang pag-uusap namin ni Wade. Mabilis na akong nagpaalam dito, hindi ko mawari kung bakit nito nakuhang magsinungaling sa akin. Ang naging sagot niyang nasa opisina ito ay mas lalong nagpatibay sa aking kutob na may ibang bagay na ginagawa ang aking asawa. Nagpasya na akong magpaalam kay mommy, gusto pa sana ako nitong yayain mag-mall, pero hindi ko lang alam kung paano ko sasamahan ang nanay ko sa ganitong pakiramdam na mayroon ako ngayon. "Dalhin mo na 'to, Anak." Inabot ko ang bigay sa akin ni mommy. Natatandaan ko pa ito, isa itong bibliya na matagal niya ng iniingatan. Ang kwento niya sa akin noon, regalo ito sa kaniya ng lolo at lola ko noong ikasal sila ng daddy. "Ma, ano 'to?" "Magagamit mo 'to, Celine. Hindi madali ang buhay may asawa

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD