MEGAN NAPANGITI ako matapos kong ibaba ang tawag ko kay Wade. Ilang beses ko rin tinawagan ito buong araw, kaya pala hindi sinasagot dahil kasama pala nito ang magaling niyang asawa. Nagpaliwanag din sa akin si Wade na nasa Batangas siya para bumawi kay Celine. Alam ko naman ang dahilan ng ginagawa ni Wade na pagbawi rito. Mahirap at masakit man na tanggapin na doon na ang lahat ng oras niya para kay Celine, kailangan. Pwes! Makikipagsabayan ako sa nais niya. Ibibigay ko sa kaniya ang gusto niyang laro, pero sisiguruhin ko na ang mananalo ay ako. Bibigyan ko siya nang pagpipilian na ako ang magiging panalo. Papunta na si Hillary dito, lahat ng plano ko ay nasa maayos na maging ang dahilan ang sinabi ko kay Wade para siputin niya ako. Hindi ako siguradong kaya nga nitong iwana

