Mabilis na bumangon si Kaori at pilit na inayos ang suot niyang pinunit kanina ni Ishmael. Pagkatapos ay tinitigan niyang mabuti ang matangkad na lalaking balot ng itim na kasuotan.
His voice has matured, his body has broadened and gotten muscular, he's so tall that it makes her doubt. Ito ba talaga ang kakambal niya? Pero ramdam niya ang lukso ng dugo.
Huminto ito sa mismong harapan niya saka nito tinanggal ang maskara. Nanlaki ang mga mata niya habang nakatitig sa gwapo nitong mukha. Wala pa ring ipinagbago ang mga mata nito. Matalim pa rin kung makatitig. Parang nanghuhukay ng kaluluwa.
"Adrian?"
"Hello, twin sister."
Napahikbi siya. "Ikaw nga."
Hindi siya makapaniwala.
Her twin brother has finally found her!
Lumundag siya mula sa kama para sana salubungin ito ng yakap pero bumagsak siyang bigla pabalik sa kama matapos siyang hilahin ni Ishmael. Nakaposas nga pala siya dito.
"Uncuff her," mariing utos ni Adrian kay Ishmael.
"Sino ka para utusan ako?"
"I'll be the death of you if you don't let Kaori go."
Sa halip na matakot ay nginisihan lang ito ni Ishmael.
"Pamilya talaga kayo ng mamamatay-tao." Bigla siyang hinila ni Ishmael at ikinulong sa mga bisig nito. Mabilis na bumalot sa kaniya ang nag-aapoy nitong init dahil sa lagnat. "Kill me then, that's the only way you'll get Kaori."
Kaagad namang nagtaas ng patalim si Adrian. Nanlaki ang mga mata niya, kinakabahan. Seryoso ba ito sa binabalak? Hindi ganito ang pagkakakilala niya sa kakambal niya! "S-sandali, Adrian! P-papatayin mo talaga si Ishmael?"
Kumiling ang ulo ng kaniyang kambal. "Ayaw mo?" Na para bang nag-aalok lang ng candy kung magtanong.
"Hindi tayo mamamatay-tao, Adrian! Sa gagawin mo, parang pinapatunayan mo lang din ang bintang nila sa pamilya natin!"
"Huli na para maghugas-kamay, Kaori," bulong ni Ishmael sa likod ng kaniyang tainga na siyang nagpatigil sa kaniya. "Yang kakambal mo, marami nang pinatay yan."
Pinanlamigan siya at dahan-dahan na nilingon ito. "Pwede bang manahimik ka? Gusto mo ba talagang matigi na?!"
Hindi ito nakasagot dahil ang paningin nito ay nakatuon agad sa mga labi niyang gahibla na lang ang distansya dito. Nang mapansin niya iyon ay nagbaba na rin siya ng tingin sa mapulang labi nito.
Nagtaas-baba ang Adam's apple ni Ishmael, siya naman ay napalunok din. Hindi niya maalis ang paningin sa labi nito. Sobrang pula at moist naman kasi no'n sa malapitan.
"Pati ba naman sa sitwasyong ito, pinapakilig mo 'ko?" bulong niya.
Nangunot ang noo nito at nanulis ang nguso. "Shut up!"
Hinila siya nito ulit pero bigla itong napatigil. Nagtataka naman siyang napatingin dito nang bigla itong bumagsak sa sahig. Muntik pa siyang masubsob sa tabi nito nang mahatak nito ang kamay niyang nakaposas dito.
"Ishmael!"
May isa pa palang matangkad na lalaki ang nakapasok sa silid na siyang pumalo kay Ishmael mula sa likod. Sa lakas ay nawalan agad ito ng malay-tao.
"Oh my gosh! Is he dead?" natataranta niyang tanong sa pumalo rito.
"He is soon."
Maang niyang tiningala ang gwapong lalaki. Ngumiti ito at nang masilayan ang mga dimples nito ay doon niya lang ito nakilala. Kaklase ito ng kapatid niyang kambal na sina Raiko at Ariand. Ang anak ng kinikilala niya noong daddy na si Lorenz Villar Mir.
"Xeon Phoenix..."
"Yes. Binata na hindi ba? Pwede na kitang pakasalan, ate Kaori."
Napangiwi siya. Kaedad lang ito ng nakababata niyang kapatid, 6 years younger than her. Pero noon pa man ay lagi na nitong sinasabi sa kaniya na pakakasalan siya habang ang kapatid nya ay gagawin naman daw nitong kabit.
Natuon ang pansin niya kay Adrian nang lapitan nito si Ishmael na hindi na gumagalaw. Natakot siya na baka may gawin itong masama kaya agad niyang hinarangan.
"Adrian, don't hurt him!"
Kinunutan lang siya nito ng noo pagkatapos ay niyuko nito si Ishmael. Dinukot nito mula sa bulsa ni Ishmael ang susi. Saka nito tinanggal ang posas na nakakabit sa kamay niya pagkatapos ay initsa nito iyon sa kama.
"Oh, god! Thank you!" Kasabay ng pagtanggal ng posas ay ang pagluwang ng hininga ni Kaori. Mahigpit niyang niyakap ang kakambal sa sobrang saya.
"Adrian!" She was about to cry with so much joy but she held it back.
"I missed you so much, my twin," bulong ni Adrian habang yakap pa rin siya.
"Adrian..." Ayaw na niyang magsalita dahil kunting-kunti na lang ay hahagulhol na siya. Masaya siya dahil sa wakas ay makakalaya na siya.
Makakapag-shopping na siya, makakapasyal sa mall, makakapag-date, makakikilala ng mga poging lalaki... Oh, kalayaan!
"I'll get you out of here." Hinila siya nito patungo sa pinto ngunit napatigil siya nang may mainit na kamay ang biglang humawak sa paa niya.
"You can't... leave," mahinang sambit ni Ishmael habang nakadapa pa rin sa sahig at mahigpit na nakakapit sa paa niya.
"Let go of me!" Binawi niya ang sariling paa mula rito pero muli nitong inabot iyon at niyakap.
Napasinghap siya sa ginawa nito. "Mukha kang tanga diyan, Ishmael! Bitiwan mo 'ko!"
"You can't leave... You belong here... to me."
Something suddenly kicked in her heart when Ishmael said those words. She couldn't move and just stared at his handsome face. Hindi niya mabasa kung ano nga ba ang nasa isip nito ng mga oras na iyon dahil magkahalo ang emosyon na ipinapakita ng mga mata nito. Naaawa tuloy siya. Parang ayaw niya itong iwan sa ganoong sitwasyon.
Nagising lang siya sa pagkakatulala nang makitang sinipa ni Adrian si Ishmael sa mukha, dahilan para lalong mahilo ang huli at manghina. Napakurap siya saka hinila niya ang kakambal palayo kay Ishmael.
"Adrian, tama na."
"K-Kaori."
Muling huminto ang mga paa niya nang marinig ang nanghihinang boses ni Ishmael. Para siyang hinahatak pabalik. Hindi niya maintindihan.
"Don't look back." Napatingin siya sa mga mata ni Adrian saka marahan na tumango. Hinawakan naman nito nang mahigpit ang kamay niya. "Let's go."
Habang palayo siya nang palayo sa silid kung saan nakabulagta si Ishmael ay pabigat din nang pabigat ang kaniyang d*bdib. Para na yung mawawasak.
'Bakit ganito?!'
Sa sala ay nadatnan niya ang mga tauhan ni Ishmael na nakahandusay na sa sahig. Pati sina Mang Simon, Aling Thelda at ang isa pang katulong ay nakahiga rin sa may pintuan ng kusina. Hindi na gumagalaw ang mga ito at hindi siya sigurado kung humihinga pa ba ang mga ito.
"A-ano'ng ginawa mo sa kanila? Adrian! D-did you kill them?"
"Don't worry, nakatulog lang sila. At sa susunod na araw pa sila magigising."
"What?"
"I sprayed them with chemical gas that made them sleepy. Medyo naparami ang pagtimpla ko ng chemical kaya hindi ako sigurado kung magigising pa sila."
"What?!"
"They deserve it though."
Umawang lang ang bibig niya sa gulat habang nakatitig sa walang ekspresyon na mukha ni Adrian. Blanko pa sa papel, malamig pa sa yelo.
Ganito na ba ito ka-walang awa?
Tulog ang lahat ng tao sa mansion. At si Ishmael... Wala ito sa maayos na kondisyon. Sino ang mag-aalaga rito?
Nakalabas na sila ng pintuan nang biglang huminto si Adrian. "Handa na ba lahat, Phoenix?"
"Yes. Isang pindot mo lang, sasabog na ang buong mansion."
Nandilat siya. Anong sasabog?
Mula sa sulok ay lumabas ang isa pang matangkad na lalaki. Lumapit ito sa kanila nang nakangisi. "Hello, ate Kaori. Long time no see."
Si Azec. Binatang-binata na at mas matangkad pa kaysa sa kaniya. Malaking bulas din, matikas.
Nakita niya ang hawak nito na iniabot kay Adrian. Bago pa iyon makuha ni Adrian ay inagaw na niya iyon na ikinagulat ng tatlo.
"Ano 'to?" tanong niya.
"Kaori, careful!" sigaw ni Phoenix.
"Sabihin niyo sa akin, ano 'to?"
Walang sumagot. Nanatili lang nakabantay ang mga ito sa galaw niya.
"Anong mangyayari kapag pinindot ko ang red button?"
"Don't ever do that!" mariing sabi ni Adrian.
"Bakit? Dahil sasabog tayo dito? Pasasabugin ninyo ang lugar na ito habang may mga tao sa loob? You're heartless, Adrian!"
"As long as Ishmael is alive, our family's life is in danger every moment. I can't calm down, Kaori. I can't rest. Kailangan kong i-terminate lahat ng banta sa buhay natin."
"I won't let you." Umatras siya papasok ng bahay.
"What are you doing?!" nagtatagis ang bagang na tanong ni Adrian.
"I'm sorry, Adrian. Pero hindi kita hahayaan na patayin ang mga tao rito. Some of them are innocent and kind-hearted. I can't let you hurt them."