"MMM..." Mabigat ang mga talukap ni Kaori. Gusto niyang dumilat pero ayaw makisama ng mga mata niya. "Daddy..." usal niya.
Napanaginipan niya ang kaniyang daddy Kairo. Hinahanap siya nito. Tawag nang tawag ito sa pangalan niya sa gitna ng madilim na kagubatan ngunit hindi niya ito matagpuan.
"Daddy..."
Nanginginig at nilalamig siya pero para namang sasabog sa init ang katawan niya. Halos kapusin na rin siya ng hininga dahil sa dobleng pagtibok ng kaniyang puso.
Mabuti na lang at napakalambot ng kamang kinahihigaan niya. Komportable siya roon. Ang bango at ang sarap pa sa pakiramdam. Pero hindi pa rin niyon kayang pahupain ang lagnat niya.
Nang maramdaman niya ang isang malambot na kamay na humawak sa kanyang braso ay biglang nagising ang kanyang ulirat. Sinundan ito ng pagbabalot ng kumot hanggang sa kanyang balikat.
Pinilit niyang buksan ang mga mata at nakita niya ang malabong bulto ng lalaking halos harangan na ang buong paningin niya dahil sa tangkad at lapad ng dibdib nito.
"W-who are you? Are you my soulmate? Nandito ka ba para pakasalan ako?"
Hindi sumagot ang lalaki sa kalokohang lumalabas na naman sa kaniyang bibig. Sa halip ay dahan-dahan na pinasadahan ng mahabang daliri nito ang kaniyang mga labi. Bumigat tuloy lalo ang mga talukap niya sa ginagawa nito. Para siyang nalalasing lalo na't ang gaan at ang sarap sa ilong ng pabango nito. Pamilyar sa ilong niya.
"Take a rest," malalim ang boses na sabi nito. His voice sounded somewhat familiar.
Mabilis niyang pinigilan ang kamay nito nang akma itong tatalikod. Kahit walang lakas ay sinikap niyang higpitan ang pagkakahawak sa kamay nito.
"Please don't go." Bigla na lamang siyang nakaramdam ng lungkot at pangungulila na para bang kapag umalis ito ay mababawasan ng malaking bahagi ang puso niya.
Siguro dala lang iyon ng lagnat niya o baka dahil sa napanaginipan niya.
Nami-miss niya ang kaniyang daddy. Nami-miss niya ang kaniyang kakambal, ang kaniyang mga kapatid at ina. Gusto niyang maramdaman ang yakap ng mga ito. Gusto na niyang maramdaman ang yakap ng kaniyang buong pamilya.
Anim na taon siyang nangungulila sa lambing ng mga ito. Ang bigat sa d*bdib.
"Pwede mo ba akong yakapin?" Nakapikit niyang tanong.
Wala pa rin siyang naririnig na sagot mula rito. Pero ilang saglit lang, naramdaman na niya ang paglundo ng kama hanggang sa may bumalot na matitigas na mga braso sa katawan niya. Ang sarap sa pakiramdam ng yakap nito. Nakakaantok lalo.
Sumiksik siya sa d*bdib nito at hinayaan ang sariling malunod sa preskong bango nito nang biglang...
"HAACHOOO!"
Nabahing siya!
"F**k!" sigaw ni Ishmael nang magtalsikan ang kaniyang laway sa gwapo nitong mukha.
Nanlaki ang mga mata niya nang makilala ang boses ng lalaki.
"I-Ishmael de Rohan!" Tumili siya at OA na niyakap ang sarili. "You maniac! Bakit ka nakayakap sa akin? Sinasabi ko na nga ba may gusto ka sa akin! Sarap na sarap ka sa katawan ko!"
"What the hell!" Tigagal din itong napaatras at inis siyang dinuro. "It's you who initiated the hug! And excuse me, captive. YOU'RE NOT MY TYPE!"
Manghang-mangha si Kaori sa sagot ni Ishmael sa kaniya. Kung makatanggi kasi ito ay daig pa niya ang kriminal at may nakakadiring sakit.
"Eh, bakit ka nakayakap?" patuloy naman na pang-aasar ni Kaori. "Feel na feel mo pa nga habang yakap mo'ko kanina."
Hindi nakasagot si Ishmael. Umiwas ito ng tingin sa kaniya at inis na pinunasan ang mukha nitong natalsikan kanina ng kaniyang laway dahil sa bahing.
Kunot-noong napaikot ng tingin sa paligid si Kaori. Biglang nawala ang pagkahilo niya nang may napagtanto siya.
"N-nasaan ako?"
Umismid ang mapupulang labi ng lalaki. "You're in my room."
"I'm-I'm in your room?!" Nanlaki ang butas ng kaniyang ilong.
Gusto niyang sampalin ang sarili dahil baka panaginip lang. The last time she remembered, nasa gitna na siya ng kakahuyan.
Akala ba niya nakaalis na siya kagabi sa balwarte nito? Paano nangyaring nasa kwarto na siya ni Ishmael? At bakit iba na ang suot niyang damit? Bakit naka puting shirt na maluwang siya at naka-pajamas? At bakit wala siyang suot na bra?!
Pumintig ang sentido niya.
"Bakit wala akong bra?! Sinasabi ko na nga ba! Hubarin mo ang bra ko, Ishmael! Madami ka namang pera ba't di ka bumili ng sa'yo? Ibalik mo sa akin ang bra ko!"
"Pinagsasabi mo?" Nagpang-abot na ang mga kilay nito at inis na umalis sa kama. "Aanhin ko naman ang bra mo?"
"Malamang suot mo. Type mo yung butterfly bra ko, noh?"
"I'm not gay you idiot."
"Ah, talaga? Eh, di type mo pala ako. Sabihin mo, hinubad mo bra ko tapos su^muso ka noh?"
Mapuputulan na yata ng litid sa leeg si Ishmael. "I'm not interested in you!"
Pinaningkitan niya ng mga mata si Ishmael. "Ang sabihin mo, type mo 'ko. Akala mo siguro hindi ko naramdaman ang pagtigas ng alaga mo habang akap-akap ako kanina. Ramdam ko, Ishmael! Tumutusok na nga sa puson ko, eh. You're breathing heavily and your heart was beating fast! You had fun hugging me, Ishmael. Admit it."
Pinamulahan agad ito sa mga sinabi niya. Hindi naman niya mapigilang mapangiti. Ang cute kasi nitong mag-blush. Kumikibot pa ang mapula nitong nguso. Gusto nitong magsalita at depensahan ang sarili pero nauubusan ito ng excuses. Paano nga naman nito itatanggi kung totoo namang tinigasan nga ito kanina dahil sa pagdikit ng katawan nila?
"Ano? Na-realize mo na ba na gusto mo 'ko and you would rather marry me than kill me?"
"What?" He glared at her. Marry her? "That will never happen."
Halos isumpa na siya nito sa kunsumesyon. Simangot itong lumabas ng silid.
"Tsee! Never mukha mo! Ayoko rin sa 'yo! Mas pogi pa sa 'yo kakambal ko, eh!" Napasilip sa kaniya ang dalawang bantay sa labas ng silid dahil sa pagsigaw niya. "O, kayo? Anong tini-tingin-tingin niyo? Gusto niyo ring makakita ng mala-mount everest?" singhal naman niya sa mga ito sabay liyad para i-flex ang kaniyang d*bdib.
"Mount Everest daw, eh, mukha namang bahay lang ng nuno," bulong ng isa sabay hagikhik.
Narinig niya iyon at inis na pinandilatan niya ang mga ito.
Nabura ang ngisi ng mga ito sa itsura niya saka dahan-dahan na isinara ang pinto.
Umirap siya sa hangin at humiga ulit. Bumalik ang pagkahilo niya pero mabuti na lang at naglabasan na ang pawis niya ngayon. Hindi na siya gaanong nakakaramdam ng lamig. Mukhang effective ang pagyakap ni Ishmael sa kaniya kanina. Parang gusto niya tuloy itong tawagin at pakiusapan na yakapin siya ulit buong magdamag.
"Haay, Ishmael. Bakit ba kasi ang gwapo mo? Imbes na matakot ako sa 'yo, kinilig pa tuloy ako."
*
KINABUKASAN...
"Bwahahaha!"
Umalingawngaw sa buong kwarto ang malademonyong tawa ni Kaori. Narinig niya kasi mula kay Mang Simon na nahawaan niya raw ng lagnat si Ishmael. Kung kailan tuluyan na siyang gumaling ay saka naman ito nilagnat. Hindi tuloy ito nakalipad pabalik ng France.
"Miss Kaori, ok lang ho ba kayo?" pagtataka ng matanda dahil naluluha na siya katatawa.
Iniisip nitong baka nagkadeperensa na siya sa utak dahil sa pagkakakulong niya sa silid sa loob ng anim na taon. Pero ang totoo, tuwang-tuwa lang talaga siya sa nalaman.
Sana nga ay hindi na ito gumaling. Kapag natigi ito ay may posibilidad na palalayain siya nina Mang Simon.
Humarap si Kaori kay Mang Simon.
"Mahinang nilalang pala ang master ninyo, Mang Simon. Naka-confine ho ba siya ngayon sa hospital? Tara, dalawin ho natin," mapang-uyam na sabi niya sa matanda na abala na ngayon sa pagliligpit ng pinagkainan niya.
"Mababa lang naman ang lagnat ni Young master, Miss Kaori. Nasa guestroom siya ngayon. Nagpapagaling ho."
"Buh! Nahiya naman ako. Kaniya 'tong kwarto, tapos ako ang nandito. Pauwiin niyo na lang ho kasi ako, Mang Simon at nang makapagpahinga na siya nang maayos dito sa room niya. Alam niyo kasi, ako talaga ang dahilan ng stress ninyong lahat, eh. So why don't you just let me go? Sabihin niyo lang po kay Ishmael na nakatakas ako. Na hindi niyo napansin kasi abala kayo sa trabaho ninyo. Sige na, Mang Simon."
Hindi na umimik ang matanda dahil alam na nito kung saan tutungo ang pag-uusap nila. Nagsimula na naman siyang kumbinsihin ito na patakasin siya.
"Magaling ka na po Miss Kaori. Pwede ka nang maligo. Ikukuha kita ng masusuot at ipahahatid ko na lang dito kay Thelda."
Bumuntong-hininga siya. Hirap talaga siyang utuin itong matandang 'to.
Pinanood niya ang matanda hanggang sa makalabas ito ng silid. And as soon as the door closed, she quickly jumped out of bed then grabbed the blanket. Tinali niya iyon sa paa ng kama. Binuksan niya ang aluminum window ng kwarto ni Ishmael saka siya sumampa sa window sill.
This is her third time attempt. Ang pangatlong talon niya sa bintana at hindi siya magdadalawang-isip na ulit-ulitin iyon hanggang sa tuluyan siyang makatakas!
She's Kaori Zaragoza Nagamori, a seed sown from a lineage of tough lawyers. She's got Japanese grit running through her veins and was raised by her hardcore grandpa Gerardo Guerrero.
Matapang , matatag at determinado. Kaya hindi siya titigil hangga't hindi siya makakauwi!
"Ain’t nobody gonna make me back down!"
Napakapit siya nang mahigpit sa jambs ng bintana nang malula sa taas no'n. Walang beam, walang balcony, walang bubong. Walang ibang daanan, diretso agad sa ground.
Kung tatalon siya ng ganoon kataas, baka tuluyan na siyang mapilayan. Or worse, baka ikamatay nya pa kapag nabagok ang ulo niya.
Pero bahala na. It's die now or later lang naman ang pagpipilian niya.
Kumapit siya nang mahigpit sa kumot sabay lundag nang biglang—
"Where do you think you're going?"
Nanlaki ang mga mata niya nang makita si Ishmael habang hawak siya sa kaniyang damit.
"B-bitiwan mo 'ko!"
Mahigpit siyang humawak sa kumot saka tinadyakan si Ishmael pero nahawakan nito ang kanyang paa saka siya ibinitin patiwarik.
"I-Ishmael!"
"Talon ka nang talon sa bintana. Gusto mo bang ihulog kita diyan?!" nagtatagis ang bagang na sambit nito.
"Ano ba? Gusto ko nang umuwi!"
Hinila siya nito nang malakas saka pinangko at dinala sa kama. Sabay pa silang bumagsak doon.
Nasa ibabaw siya nito nung una pero gumulong ito at pinagpalit ang posisyon nila. Mabilis siya nitong kinorner ng dalawang braso.
"Gusto mo na ba talagang mamatay?"
Dumampi sa mukha niya ang mainit na hininga nito. Sandali silang nagtagisan ng tingin. Mayamaya lang ay biglang pumungay ang mga mata nito at pabagsak na sumubsob sa leeg niya.
"Ishmael!"
Hindi nito pinansin ang pagtulak niya. Sinabunutan pa niya ito pero umuungol lang ito.
"A-ano ba?! Ang bigat mo!"
Halos mapaso na siya sa sobrang init ng balat nito. Pati ang hininga na ibinubuga nito ay nakakapaso rin. Naalala niyang may lagnat nga pala ito.
"Grabe, ang init mo! Ilang degree Celsius ba ang temperature mo, ha?"
Hindi ito umimik. Naisip niyang baka hindi na ito makabangon. Pagkakataon na niya! Pero habang nararamdaman niya ang mabilis na t***k ng puso nito at ang parang apoy na hininga nito ay bigla siyang tinubuan ng pag-aalala.
"Ishmael. Baka nga dengue na yan. Basta kapag pakiramdam mo madi-deads ka na, palayain mo muna ako, ha? Tsaka, wag mong kalimutan ang good-bye and last kiss natin."
"You're a kiss maniac!"
Napangiwi siya sa sagot nito at inis itong sinabunutan. "And you're a kiss addict!"
Napalunok naman si Ishmael dahil natumbok niya. Ishmael is indeed addicted to her lips, her kisses and her presence. Baliw na ito sa kaniya.