"Ishmael..." she whispered, teasing him. "Hindi mo pa rin ba napagtanto na may gusto ka na sa akin? Bakit di mo na lang kasi aminin," patuloy niyang panunudyo dito. Ayaw niya talagang tumigil at gustong sukatin ang pasensya ng tao. Pero nanatiling tahimik at kalmado si Ishmael.
Ngumiti siya at marahan na hinaplos ng kaniyang daliri ang mainit na palad nitong nakakulong sa kaniya. Lalo siyang natuwa dahil hindi ito pumalag. Na para bang gusto rin nito ang kiliti ng paghaplos niya.
"Dati parang ayaw mo akong hawakan, ah. Ngayon, panay kiss ka na sa akin. Gusto mo pa ngang ikama. Ibig sabihin, mahal mo na 'ko. Ba't di na lang tayo mag-ano? Yung ano... alam mo yun? Pareho naman pala tayong gusto ang isa't isa. Baka ito na yung sign na tapusin na ang gulo sa pagitan—"
Mabilis nitong tinakpan ang kaniyang bibig. "It's totally normal for a guy to react physically when you flirt. Kaya wag kang mag-assume. It's just my hormones kicking in. Just lust, no feelings. Huwag ka ring umasa na magiging isang pamilya tayo. Hindi yun mangyayari."
Bumaluktot ang mga kilay niya kapagkuwan ay ibinaba ang kaniyang isang kamay para dakmain ang p*********i nito. Nagulat si Ishmael sabay panlaki ng mga mata. Tinaasan naman niya ito ng kilay.
Ilang saglit lang ay inalis nito ang kamay nitong nakatakip sa kaniyang bibig at akmang tatanggalin ang kamay niya sa ibaba. Pero lalo niyang hinigpitan ang pagkakadakot sa alaga nito.
"Kaori!" Nagbabanta ang boses nito at pinandilatan siya.
"Ok ka naman pala rito. May mahihingan ka naman pala ng tulong. Hindi mo na ako kailangan kaya pauwiin mo na ako kung ayaw mong magmumukhang torta itong talong at lotgi mo."
"And why would I do that? Hawak ko na nga ang alas, ibibigay ko pa sa kalaban para lang matalo? I'm not as stupid as you, Kaori."
"Ah, gano'n?" Piniga niya ang lato-lato nito na nagpaigtad sa lalaki. Pinigilan naman nito ang kamay niya pero sa bawat tangka nito ay lalo niyang hinihigpitan ang pagsakop niya.
"Kaori!"
"Sige, malalamog 'tong mga tadpoles mo."
Hindi na rin nakapagtimpi si Ishmael. Ang totoo ay hindi naman talaga ito nasasaktan, kundi ay nakukuryente ito sa ginagawa niya.
"Kaori, I'm warning you..." hirap na nitong sambit.
Pero imbes na makinig ay inulit niya pa ang pagpiga sa p*********i nito kasama na ang lato-lato nito. At tuluyan na nga sumabog si Ishmael. One of his hands traveled down her body and crawled under her shirt. Napasinghap si Kaori nang pisilin din nito ang isa sa kaniyang malaman na d*bdib.
"Let go bago pa ako mawalan ng kontrol sa'yo," mariin na banta nito.
Nang dumapo ang hinlalaki ni Ishmael sa kaniyang perlas ay hindi niya napigilang mapaliyad. May kung ano'ng pwersa kasi ang biglang sumabog sa kaniyang kaibuturan. Just then, a loud hem suddenly caught their attention.
"Ehem!"
Sabay silang napalingon sa nakabukas na pinto ng kwarto at nang makitang may mga tao roon ay mabilis silang naghiwalay.
"I rushed to get here because you said you needed my help. But it looks like it's the other way around." Nakapamulsa na lumapit ang isang matangkad na lalaking nakasuot ng puting long sleeve polo shirts.
Malinis ang pagkakagupit ng makapal nitong buhok. May tattoo sa leeg pababa sa dibdib. May maninipis na balbas na nakapalibot sa perpektong panga nito pababa sa Adam's apple nito. Si Lionzo Mancini.
Sa likod naman nito ay nakasunod ang dalawa pang lalaki na magkasingtangkad at magkasinggwapo. Seryoso ang isang naka-black suits na checkered ang necktie. May balbas din ito at nagmumukhang si Hercules na natalo ni Hades. Para itong pinagkaitan ng kaligayahan noong kabataan. Gwapo rin sana kaso parang may hinanakit sa mundo. Si Hunter Giordano.
Samantalang 'yong isa naman ay total opposite ng nauna. Naka-cream white button down polo shirts na bukas ang limang butones sa may dibdib nito. Ang laylayan ay naka-tuck ang kalahati sa suot na black denim pants. Ang sapatos nito ay kumikislap gaya ng magagandang uri ng mga mata nito habang nakatitig sa makinis at manipis na tiyan ni Kaori. Nakatikwas kasi ang punit na damit na suot niya at nakalimutan niyang ibaba iyon kanina dahil sa pagkabigla. Buti na lang at natatakpan ng laylayan ang kaniyang n****e. Bakas sa gwapong mukha nito ang kapilyuhan habang ini-enjoy ang magandang view. The playboy one, Felix Greco.
***
TUMIKHIM si Ishmael at pasimpleng tinakpan ng kumot ang katawan ni Kaori sabay tayo. Tinanggal niya ang posas sa kamay niya at nilipat iyon sa kabilang kamay ni Kaori.
Pagkatapos ay bumaling siya kay Lionzo.
"Ikaw lang ang tinawagan ko, Mancini."
"Well, I'm worried kaya kinontak ko na rin itong dalawa—hey! Quit staring at Ishmael's property, Felix!" saway ni Lionzo matapos mamataan si Felix na walang kakurap-kurap habang nakatitig pa rin kay Kaori na animo'y isang masarap na pagkaing nakahain ang babae. "Ano'ng nangyari sa mga tauhan mo sa baba?" kapagkuwan ay seryosong tanong ni Lion kay Ishmael.
Nagbuhol ang mga kilay ni Ishmael saka humiga sa gilid ng kama. "May nakapasok kanina. Balak itakas ang bihag ko."
"Thieves?"
"Hindi."
"Tsk. Kaya pala putok ang nguso ni leader!" may himig pang-aasar na sambit ni Felix.
Inirapan niya lang ito.
They're his brods. Mga kasapi ng binuo niyang grupo.
Si Lionzo Mancini, ay isang Italian Mafia lord, si Hunter Giordano, isang business tycoon at si Felix Greco, isa namang heir na pinalayas.
"Ano bang ipapagawa mo sa 'min?"
"Hindi bumababa ang lagnat ko. I want you to run some tests."
"Paano bababa, eh nagpapainit ka?"
Sinamaan ng tingin ni Ishmael si Felix. Sa lahat ng mga ka-brod niya, itong si Greco lang talaga ang madaldal at alaskadero.
"Sinu-sino ba yung pumasok dito?" tanong ni Hunter.
"The BH. Grupo ni Ace."
"Ugh!' Si Felix "That jerk whose brain is worth a thousand heads."
"Si Zayn lang ang kilala kong may ganoong utak."
"Si Zach Rhayne Nagamori? 'Yong genius na may hemophobia?"
"Ssh," saway ni Lion kay Felix. "Ayaw no'n na pag-usapan. Baka magulat ka na lang wala ka na palang pera sa account mo."
Nagkibit-balikat si Felix saka tumingin sa kaniya.
"Sino ba ang tinutukoy mo kung hindi ang psycho na ka-brod natin?"
"His cousin."
"Adrian Nagamori," si Hunter. "Hmm. If Zayn's a hemophobic, ang isang iyon naman ay hemophiliac. In love iyon sa dugo. Huwag kang aanga-anga kapag iyon na ang kaharap mo, Felix. Hihigupin no'n ang lahat ng dugo mo."
"Geez! Ano siya? Bampira?"
Marahan na tumayo si Ishmael. Muntik pa siyang matumba kung hindi lang agad siya naalalayan ni Hunter.
"You're too weak, boy. Stay in bed." Si Lionzo.
"I want to rest but not here."
Sinulyapan nila ang babaeng walang kakibo-kibo sa ibabaw ng kama. Nakikinig lang ito at lihim na nagmamasid sa kanila.
"We understand. Kahit sino namang lalaking may lagnat kapag ganiyan ang katabi ay mapapa-combat talaga nang wala sa oras."
Nagsingisihan ang tatlong lalaki samantalang si Ishmael ay hindi na mailarawan ang mukha.
"What I need is a doctor and not insensitive people who like to piss off." Tinalikuran niya ang mga ito at nauna nang lumabas.
Sumunod naman kaagad ang tatlong nagsisilbi niyang kapatid sa organisasyon. Si Lionzo ang pinakamatanda sa kanila, halos kaedad naman niya sina Hunter at Felix. At si Zayn, ang pinsan ni Kaori ang pinakabata sa kanilang samahan ngunit ang pinakamatalino rin.
Hindi na dapat sila nagkakaayos ni Zayn dahil sa pagtraydor nito noon sa kaniya pero mautak ang baliw na iyon. Muntik nang pabagsakin ang naiwang negosyo ng kaniyang uncle Wilson. Mabuti na lang at naagapan niya.
Hanggang sa nahanap niya ang sarili na nakikipag-ayos dito. Nire-recruit niya ito para sumali sa kanilang organisasyon. Ayaw niya itong kalabanin dahil ito lang ang pwede niyang itapat sa pinsan nitong si Adrian. Ngayon ay kasapi na rin ito ng kanilang samahan, ang Dark Sanctuary.
May kaniya-kaniya ring kinakaharap na pagsubok ngayon ang mga ka-brod ni Ishmael. Ramdam niya na bahagyang nawalan ng focus ngayon ang mga ito sa kanilang negosyo. At kung gagawa ulit ng malaking problema si Adrian sa kanila, mahihirapan siyang pigilan ito nang mag-isa, unless Zayn comes back.
***
"TANGINA! Dehydrated ka na pala at bumababa na rin ang platelets mo pero mas pinili mo pang makipag-chukchakan sa bihag mo kaysa magpagamot? Ayan tuloy, lalo kang nanghina!" biglang sambit ni Felix matapos malaman ang result sa blood test ni Ishmael.
May sarili siyang laboratory sa kaniyang mansion at nasa basement iyon ng mismong bahay na tinatapakan nila ngayon. Ang kinaruroonan nila ngayon ay isa lamang parte o annex mansion na nakahiwalay sa main property niya. Nasa pinakalikod ito kung saan malapit sa kakahuyan. Ang main naman niya ay nasa mismong harap ng tarangkahan na may isang kilometro ang layo mula sa kalsada.
Inis niyang binato si Felix na tatawa-tawa namang umiwas.
"Palabasin niyo nga iyan!"
"Easy, Ishmael. Kalma. Ikinakabit ko pa ang swero mo. Huwag kang malikot," ani Lion habang kinakabitan siya ng tube na nakakonekta sa IV fluid.
"Yuyosi lang ako," nakangising paalam ni Felix. Wala namang pumansin na dito.
"So, ano'ng balak mo ngayon sa pinsan ni Zayn?" tanong ni Hunter.
Hindi siya sumagot.
"Come on, Ish. Alam natin pareho na ayaw magpaopera ni Angelique. Ano pa ba ang silbi ng babaeng iyan sa iyo?"
"Let's just say, I'm bored."
Nagkatinginan ang dalawang naggugwapuhang lalaki sa sagot niya.
"You mean you're going to play with her?"
"Enslave her?" magkasunod na tanong ng dalawa ngunit ni-deadma lang niya ang mga ito.
"I wanna rest."
"Ish. Sabihin mo sa amin ang mga plano mo. Remember, kakambal siya ni Adrian. At kapag naghiganti iyon sa 'yo, madadamay ang buong grupo."
Huminga siya nang malalim.
"You wanna hear the truth?"
"Yes."
"I'll make her my favorite toy."
Parehong napahilot ng nose bridge ang dalawa.
"Bad idea, Ish. Mas mabuti pang itapon na lang natin siya."
"Magagamit ko siya laban sa kapatid niya. Kapag hindi tumigil si Adrian sa panggugulo sa Isla ng Dark Sanctuary, bubuntisin ko si Kaori."