Klien 5

743 Words
Don't (Narration) Nasa sala ng bahay nila Rhianne at Klien si Erato at hinihintay ang kaibigang matapos sa pagligo niya. Wala si Rhianne sa bahay dahil nasa Mall siya kasama sila Angel, napagplanuhan nilang ilayo muna kay Klien ang dalaga dahil kakausapin ni Erato ang kaibigan. "Ano bang ginagawa mo dito? Wala si Rhianne kaya walang pagkain" sabi ni Klien habang pababa ng hagdan at nagpupunas ng buhok. "Nasigawan mo daw si Rhianne nung nakaraan?" diretsong tanong niya. Ayaw na niyang mag ligoy-ligoy pa kasi hindi naman nadadaan ang kaibigan doon. Mas mabuti na ding tapatin ang kaibigan para makausap niya ng maayos, sana. "Ah oo. Pumasok siya ng kwarto ko eh" simpleng sagot ni Klien saka tumabi sa kaibigan. "Hindi mo dapat ginawa yun. Nagmamalasakit lang yung tao" sabi ni Erato. Wala namang sinagot si Klien. "Ano ba ang pakialam niya?" sa isip-isip niya. Iniisip niya ang nagsumbong si Rhianne sa kanila at ipapalabas na siya ang mali. Nainis naman siya sa naisip niyan iyon. "Binabangungot ka daw. Tungkol kay Hikari?" tanong ni Erato. Bahagyang tumango si Klien at naalala ang panaginip niya. Nandoon si Hikari walang malay, siya na nakagapos ng kadena, si Knight na walang emosyon at si Rhianne. Kung kelan nakikita na niya si Rhianne bigla nalang siyang magigising. "Klien, kung ano man yang napapanaginipan mo hindi kasama si Rhianne doon" mahinang sabi ni Erato. Pumipintig na naman ang tenga ni Klien sa sinabi ng kaibigan. Nagtangis ang bagang at nagpormang kamao ang mga kamay. Sinunggaban niya ang kaibigan. Wala na siyang pakialam sa paligid niya, nilalamon siya ng inis at galit. Inis sa kaibigan para sabihan siya ng mga bagay na iyon, at galit kay Rhianne dahil sa panaginip at inaasal ng kaibigan. "Ano bang alam mo ha? Wala kang alam dahil hindi mo naman nararanasan yung katulad ng akin" sabi niya habang hawak ang kwelyo ni Erato. Wala namang makikitang reaksyon sa mukha ni Erato. Hindi siya natatakot sa kung anong pwedeng gawin ng kaibigan sa kanya, nanatili siyang matigas. "Hindi mo siya pwedeng saktan Klien. Gagawin ko ang lahat para MAPROTEKTAHAN siya" matigas na sabi ni Erato. Mas lalo namang nainis si Klien sa sinabi ng kaibigan kaya hindi na niya napigilan ang sariling kamao. Hurt Nandito na ako sa bahay galing sa Mall. Ginabi na kami kasi nakaligtaan naming yung oras. Sa labas na rin kami kumain lahat. Pagpasok ko sa bahay patay ang ilaw. Nilagay ko muna yung uwi kong pagkain sa kusina, nag uwi ako kasi baka hindi pa kumakain si Klien pero mukhang tulog na. Umakyat na ako sa taas. Nagtaka ako kasi patay lahat ng ilaw na akala mo walang tao. Napahinto naman ako sa tapat ng pinto ng kwarto ni Klien. Ito kasi yung unang madadaanan mula sa hagdan eh. Tulog na kaya siya? Haist! Simula nung nasigawan niya ako naging mailap na siya sakin. Nagpatuloy na lang ako sa paglalakad hanggang sa marating ko yung kwarto ko. Binuksan ko yung ilaw at nilapag sa sahig yung mga pinamili ko. Dumiretso ako sa bathroom at naglinis ng sarili. Nagpalit na din ako ng damit, ang lagkit ko na kaya simula umaga yun yung suot ko. Pagkalabas ko ng pinto siya ring bukas ng pintuan sa kwarto. Nagulat ako at nakita ko na si Klien yung tao doon. Anong ginagawa niya dito? Akala ko tulog na to. May kailangan kaya siya? Di uso katok? Lumakad siya ng papunta sa direksyon ko na masama ang tingin. Parang inaakusahan ako na ang bigat bigat ng kasalanan ko sa kanya. Hindi ako makaalis sa kinatatayuan ako, hindi ko alam kung bakit. Nung makarating siya sa kinatatayuan ko bigla niyang sinunggaban ng sakal yung leeg ko. "Ack!" hindi ako makapagsalita, makahinga din hindi. Matalim ang tingin niya sakin na parang kaya niya akong p*****n ngayon mismo. Natatakot ako sa kanya. "Nasan si Hikari? Saan mo siya tinago!!?" tanong niya na pasigaw sa mismong mukha ko. Wala akong nasagot. Unang-una hindi ko alam, pangalawa nahihirapan akong huminga sa ginagawa niya. Balak niya nga talaga akong patayin. "Sino ka ba Rhianne ha? Bakit ganun ka pahalagahan ng kaibigan ko?" tanong niya pero wala parin akong nasagot. Nagulat nalang ako ng bigla siyang nawalan ng malay at naalis ang pagkakasakal sakin. Nagulat ako sa lalaking may gawa nun. "Knight" bulong ko habang nakatulala sa kanya. Lumakad siya papunta sakin at niyakap ako. "It's okay Hime. Your SAFE now. Sshh!" sabi niya at nagsimula nang mag-uunahan ang luha ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD