Chapter 48 R-18+ MATURE CONTENT READ AT YOUR OWN RISK❗ Third-Person POV- Walang naging imik si Jasmine kundi sundan na lamang ng tingin ang papalayong si Lucas. Bumalik siya sa kanyang tent area at tahimik na umupo habang tinititigan ang ibinigay nitong kapirasong papel. Ilang ulit niyang binasa ang mga nakasulat doon, pero tila bawat letra ay nagiging mas mabigat sa kanyang dibdib. Hindi niya alam kung tama bang muli niyang buksan ang pinto ng nakaraan lalo’t matagal na niyang sinikap na isara ito para sa kapakanan ng anak niyang si Dahlia. Kinabukasan, habang abala sila sa pagpila para sa ibibigay ng mga relief goods ay yun pa rin ang umuukupa sa kanyang isipan, ng matanggap niya yung para sa kanila ay agad na siyang umalis dahil ramdam niyang may mga matang nagmamasid sa kanya lal

