Chapter 31 Balita Junjun Hermana Walang katulong sa bahay nila kuya Marc, guard lang na nasa gate at yung isa pang secu sa bungad ng subdivision na ito. Kanina pa ako umaga balisa ngunit sinisikap ko na hindi ako mahalata ni kuya Marc. Ngayon nga ay kumakain kami ng almusal. Nasa hapag ang masasarap na pagkain, ngunit tila hindi ko malunok ito. Ngayong alam ko na ang lalaking kaharap ko ay nagbabalat anyo lang. Dapat noon ko pa nalaman ito. Dapat napansin ko kung paano noong araw na umalis ako sa condo, nawalan ako ng malay ay tila anghel na bumaba sa lupa si kuya Marc noon, at tila sinasadya lang ng pagkakataon. Iyon pala ay planado pala ang lahat. Mahigpit ang kawak ko sa kutsilyo at tinidor. "Ayos ka lang Junjun?" Nagaalala na tanong ni kuya Marc. Pilit kong hinulma ang isang ngi

