Chapter 33 Pagbawi Junjun Hermana Lumipas ang dalawang araw na ninanamnam namin ang buhay probinsya. Mababait ang mga kapitbahay namin dito. Halos karamihan ay pagsasaka, pangingisda at pagiging trabahador sa hacienda ang pangunahing hanap buhay. Napaka payak lamang. Buhay na pangarap ko, walang gulo. Karamihan sa mga tao rito ay nagtataka kung paano ako nabuntis. Ngunit pasasalamat ko na rin na mababait at bukas ang kanilang isipan sa aking sitwasyon. Ang dami pa nga nilang bilin sa akin, mga payo para sa aking panganganak na malapit na rin. Marami na rin na nagiging kaibigan si King. Nakahanap na rin ito ng trabaho sa hacienda at binigyan siya ng posisyon. Mabait din ang Don at Donya. Ang sarap sa pakiramdam na gigising sa malamig na umaga. Maglalakad palabas at uupo sa kubo, may

