Chapter 16 Ko Juno Juseo 'Junjun' Hermana Ngayon ko lang naranasan ang hagupit ng isang tulad niyang hari. Mas naging mahigpit pa ang mga patakaran sa campus. Marami ang naparusahan. Sabi kasi ni King... Maliit man o malaki ang naging kasalanan, kasalanan pa rin iyon. At magmula ng bumalik na si King sa Campus ay tila tuluyan na akong naigapos niya sa kanyang tabi. Ngayon na lamang hindi, habang ako ay narito sa tahimik na student lounge. "May dinala akong Graham Cake Junjun. Tara, kain tayo?" paanyaya niya. Hiniwa niya gamit ang isang disposable na tinidor ang umuusok pa sa lamig na panghimagas. "K-Kaya ko na. Huwag mo na akong subuan Garron..." nahihiya kong sabi. Umiling siya habang kunot ang noo, dahilan para bahagyang gumalaw ang kayang suot na salamin. "Isubo mo.

