Chapter 13 Biskwit Juno Juseo 'Junjun' Hermana Habang inaayos ko na ang mga ginamit kong graphing papers at iba pang mga school materials para sa aming session, ay may naglapag ng kulay brown na plastic cup sa aking harapan. Tumingala ako upang tingnan ang masayang mukha ni King. Para siyang araw na labis na nakakasilaw. Napakatikas din nito at isa pa ay nakaka-inggit ang mala-tore niyang tangkad. Ramdam ko ang pagdampi ng hangin dito sa botanical garden dahilan upang mapapikit ako. At sa pagdilat ng aking mga mata. Natuon pala ang mata ni King sa aking mukha. "I wonder how beautiful you can be. As the wind sway your hair. And as your gray eyes shine in despairing love." Napaiwas na lang ako ng tingin. 'Di ako sanay sa mga ganitong klaseng banat ni king. Masyado naman ata siya

