Chapter 4
Soon
Juno Juseo 'Junjun' Hermana
"Home sweet home! " sigaw ni Walter at mabilis na nahiga sa pinakamalapit na couch sa malaking sala ng mansyon.
"Maligo muna kayo. " utos ni kuya Marc sa amin.
Naligo naman kami, ako sa banyo sa kuwarto ni kuya Marc at sa isang banyo naman sa kabila itong si Walter. Paglabas namin ay pareho na kaming nakasuot ng pang tulog.
"Tulungan mo na Besty si Kuya sa kusina. Alam mo. Bonding!" taas kilay at may pagka-malisyoso ang tono ng kanyang pananalita.
"Narinig mo naman ang bunso namin Junjun. Samahan mo na ako sa kusina. " tila natatawang komento na lang ni kuya Marc. Baliw na Walter! Hindi titigil sa pangma-match make niya.
" Sige po. " sabi ko na lang
" Ay ang pabebe. " ani Walter. Sabay patay malisya na binuksan ang TV.
Nagtungo na lamang kami ni kuya Marc sa kusina. Tulad ng dati ay malinis at napaka laki ng espasyo nito. May sariling restawran kasi ang kuya ni Walter kaya siguro ang paborito at mas pinahahalagahan nitong parte sa bahay ay ang kusina.
"Kuya Marc.Sino pong nag-aayos ng negosyo niyo? " tanong ko habang hinuhugasan ang mga gulay para sa lulutin naming pinakbet na paborito naming tatlo, lalo na kung ang sahog nito ay pusit.
" A, iyong kasosyo ko at ang naging kabarkada ko noon pa 'man na si Vitto. " hindi na ako umimik at saka na lamang tumulong sa paghiwa ng mga gulay habang abala sa paggisa sa bawat at sibuyas itong si Kuya.
" Aray! " napapitlag ako ng makita kong hawak ni kuya ang kamay niya. Namumula ang isa sa daliri nito.
" Hala. " agaran kong tiningnan ang kamay nito at ang ginawa ko ay ibinabad ko muna ito sa tubig.
"Walter!" sigaw kong pagtawag mula sa kusina.
Ilang saglit pa ay dumating na rin siya.
"Baket?! Kung makasigaw a?!" tanong niya sa akin.
Napahinga na lang ako ng malalim," Ikaw muna magluto rito. Gagamutin ko muna ang kamay ni kuya Marc." utos ko sa kanya na kinasimangot niya.
" O sige. Bonding na kayo sa sala. Layas. Mga disgrasyado. " may halong pang-aasar na wika nito.
" Litse talaga!Ang ganda ng pinapanood ko, eh!" dagdag pa niya.
Kinuha ko ang first aid kit at sinimulan ng lagyan ng paunang lunas ang namumulang kamay ni kuya Marc.
Nang inaayos ko na lamang ang panghuling proseso ay napapitlag ako ng hawakan ni kuya Marc ang aking bangs at unti-unti niya itong hinawi.
" Bakit po? " nauutal ko pang wika.
Napailing ito at saka mabilis na iginaya ang kanyang mata sa aking bintana ng kaluluwa. Hinaplos niya ang aking mukha.
" Ang ganda ng mata mo Jun. Hindi ko ata kayang pagsawaan na tingnan sa buong magdamag ang mata mo. Para itong tubig sa ilalim ng buwan. " animo'y kinakapos ang kanyang paghinga na wika.
Amoy ko pa ang samyo ng kanyang hininga. Amoy na amoy ko ang pabango niya at ang init na lumulukob sa loob ng manipis na sando na hinahagkan ang kanyang batak na katawan. Parang bigla akong napaso sa hawak niya kaya napaatras ako.
"Kain na mga mag jowa! Mamaya na ang landian. Kumakalam na ang aking small and large intestine. " ekstra ni Walter kaya naman nabawasan ang tensyon sa pagitan namin.
Gumalaw na kami at parang tensyonado na naglakad patungong kusina. Tulad ng nakasanayang ka-ginoohan ni kuya Marc. Pinanghila niya ako ng upuan upang makaupo. Habang itong si Walter ay hindi 'man nagawang tapunan ng tingin nitong si Kuya.
"Ay gano'n," naasar na wika ng isa diyan.
"Kapag ako Kuya, walang tapunan ng tingin. No gentleman moves? Nakatatampo, ah!"sambit ni Walter sa kanyang kuya habang masama ang tingin.
" Malaki ka na kasi Walter," may pasimpleng ngisi ang labi ni Kuya.
" Oo nga pala. May five flat tayong kasama sa bahay. " nang-aasar naman ang kaninang tonong tampo na wika nitong si Walter.
" Litse kayo!" nakanguso kong wika. Okay lang, sanay na akong pagdiskitahan ng dalawang magkapatid.
Tumawa lang ang dalawa. Pasimple muling nag sandok ng kanin at ulam si Kuya at inilagay sa aking plato. Nagsalin din ito ng juice sa aking baso na lihim na kumiliti sa aking puso.
Pekeng umubo naman si Walter. "Kasalan na lang ang kulang mgebhe!"
Walaghiya talaga itong isang ito. Ginawang asukal ang pangbubuska sa aming dalawa ng kapatid niya.
Tumawa lang itong si kuya Marc. "Sige na. Kumain na kayo diyan at ng mahugasan ko na ang plato," ayaw niya talaga kaming pinagta trabahong dalawa. Palibhasa ay ini-spoiled niya.
"Ako na po ang maghuhugas ng plato," pagkukusa ko pero hindi pumayag si kuya Marc.
" Ako na. " may pagkaseryoso ang boses nito.
Pero hindi ako pumayag." Ako na, kuya," pagpupumilit ko.
Huminga lang ito ng malalim at saka pasukong um-oo.
Natawa naman si Walter na naman sa kabilang dako." May under na rito. Wala pang kasalan, undercover na ang isa rito. " at malakas na humalakhak.
Napailing na lamang ako at sinimulang latakan ang masarap na mga lutuing nasa hapag. Tulad ng nakagawian ay parang lumilipad sa apalaap ang aking taste buds sa masasarap na lasa ng mga ulam. Tama lang ang lambot ng karne, nandoon ang lasa at hindi ito sobra o kulang I mean matabang pala. Tama lang, masarap at hindi nakakasawa. Chef idol talaga si kuya Marc. Nakakagwapo talaga sa lalaki ang masarap kung magluto.
Matapos ang masarap na kainan ay nagtungo na ako sa sink at sinimulan ng hinugasan ang mga plato at pinag gamitan sa kusina kanina lamang. Ayaw kong paghugasin ng plato itong si Kuya sapagkat namamaga pa ang kanyang kamay.
"Hay, natapos din!" sambit ko sa aking sarili.
" Matutulog ka na ba?" biglang tanong ng isang lalaki mula sa aking likod na aking kinagulat.
" Ay pusang may abs! " napasigaw ako sa gulat. Salamat naman sa Maykapal at wala akong sakit sa puso.
Tumawa naman si kuya Marc," Magugulatin ka talaga ano? " tanong niya sa akin.
Sinong hindi magugulat kung ibalandra ba naman sa harap ko ang bulto ng isang gwapo at pinagpalang adonis na tulad nito. Naka boxer lang ito at walang pang itaas. Halos makitil ang aking hininga nang dumako ang aking paningin sa malaman niyang dibdib, sa kanyang anim na pandesal sa tiyan, sa kanyang nakakapag laway na v line at ang makasalanang umbok na dahilan ng pamumula ng aking pisngi.
"Opo sana. Bakit kuya? " taka kong tanong habang pinupunasan ang aking kamay at nakayuko ang aking ulo. Ayaw ko ng madagdagan pa ang aking pagkakasala.
"Gusto sana kitang makausap. Kahit sandali lang sana," sagot niya sa akin.
"Sige po," pagpayag ko na lang. Wala na naman akong gagawin kaya ok lang sa akin na mag-usap kaming dalawa.
Kumuha muna ako ng dalawang mug sa kabinet at nagtimpla ng dalawang hot chocolate. Hindi kasi ito umiinom ng kape. Ako nama'y umiinom ngunit hindi kapag ganitong gabi na, baka hindi pa ako makatulog.
" Mainit na tsokolate para sa tahimik na gabi," sabay lapag ko ng mga tasa.
" Salamat. Pasensya na sa istorbo. Hindi lang siguro ako makakatulog kung hindi kita makakausap ngayon gabi. Junjun. " ang husky ng boses niya, grabe.
" Anong tanong? " taka naman ko siyang tiningnan habang hinihipan ang mainit na tsokolate.
" Anong gusto mo kapag niligawan ka? Anong tipo mo para sa isang boyfriend?"deretso niyang tanong sa akin.
Para akong natuod na nanigas sa aking kinauupuang stool. Hindi naman siguro ako nagkamali ng dinig hindi ba? Para kasing nagkarerahan ang lahat ng likidong dumadaloy sa lahat ng ugat na nasa puso ko.
" Bakit mo natanong, kuya? " tila napapaos na nauutal ang aking boses. Wait lang, hinahabol ko pa ang paghinga ko. Hindi ako na inform na sa gabing ito ay maha hot seat pa ako.
" Wala lang. Kaugali mo kasi iyong taong gusto kong ligawan," sagot niya sa akin.
Aray naman. Insert broken heart emoji. Parang biglang may bumara sa aking lalamunan. Iyan ang napapala ng umaasa sa wala. False Hope ika nga.
" Ano. Basta kaya akong mahalin ng buong puso. Tatanggapin ko siya kahit ano pa 'man. Basta hindi niya ako iiwan. Basta kapag sinaktan niya ako, kaya niyang punasan ang luha ko.,iyong mga ganoong katangian. " katangian na nasa iyo kuya Marc, kaso hindi ako iyong gusto mo.
" Gano' n ba?" malapad na ngumiti ito at nag kuwento na siya ng iba't ibang mga topic hanggang sa maubos na namin ang kanya kanyang inumin.
" Matutulog na po ako," paalam ko sa kanya.
" Sige, good night,Junjun," tumango na lamang ako.
Naglakad na ako patungo sa silid ni Walter pero hindi ko na mabuksan pa ang pinto kaya naman kumatok na ako.
" Walter, paki buksan ang pinto!" sigaw ko mula dito sa labas.
" Besty, tinatamad na akong tumayo. Sa kuwarto ka na lang ni Kuya matulog!" narinig kong sagot niya mula sa loob.
" Ayaw ko nga Walter. Huwag ngayon. Inaantok na ako. "
Pero tila ata nakatulog na ang kaibigan ko na hindi 'man lang ako pinagbuksan ng pinto. Nakaka litse talaga.
Wala akong nagawa kundi ay ang maglakad sa hallway na parang pasan ko ang mundo. Pero kung sinu suwerte naman ako ay nakasalubong ko pa si kuya Marc.
"Bakit ka pa nasa labas? "
" Sinarahan na po ako ng pinto nitong si Walter. " nakanguso kong sambit.
" Baliw talaga ang bunso namin. Wala pa naman sa akin ang susi ng guest room. Gusto mo sa kuwarto ko na lang. " para na namang inaatake ng kung anong kiliti ang puso ko.
" Sa sala na lang siguro. "
" No. I insist sa kuwarto ko na lang. Malamig sa sala. Isa pa. Safe ka naman sa akin. " maawtoridad ang kanyang pagkakasabi
Nagdadalawang-isip pa lang sana ako ay hinila na ako ng magaling. Kaya ang nangyari,tabi kami sa kama na natulog . Hindi ko tuloy alam kung paano ako matutulog.