Chapter 33: Dating this ugly girl

891 Words
******** Third person's p.o.v Lumabas ng school ang dalawa at namasyal. Ang buong akala ni Mizhu, maglalandi si Hyemie sa kanya sa bawat oras na magkasama sila. Pero hindi iyun nangyari. Pagkatapos kumain sa isang mamahaling restaurant ay nanood sila ng sine. Action comedy ang pinanood nila dahil ayaw ng dalaga ng horror at love story. "Manonood ulit tayo ng horror movie." Suhestiyon ni Mizhu. Kadalasan kasi sa mga babaeng nakadate niya horror at love story ang pinapanood. Tapos pag intense na yung mga eksena at sobrang nakakakaba na, niyayakap siya ng mga ito kapag natatakot sila. Kapag love story naman kilig na kilig ang mga ito. "Horror? Manood ka mag-isa mo! Pag ako talaga ang natatakot, ipaparefund ko talaga yung ticket k." Nakanguso niyang sagot. Don napansin ng lalake ang mamula-mula nitong labi. At cute na matulis na ilong. Pero di niya parin gaanong nakikita ang mukha. "Kung mag-ayos ka kaya." Iyun ang biglang lumabas sa labi niya. "Kapag ako ang nag-ayos baka hahabol-habulin mo pa ako. Maiistres pa ako sa kakaiwas sayo." Sagot naman ng dalaga. "Weh, ang hangin pala nito. Tsk!" Sagot niya na inikot pa ang mata saka naglakad na palapit sa kanyang kotse. Nang linguning muli si Hyemie, wala na ito sa kinatatayuan. Inilibot niya ang buong tingin sa paligid para mahanap ang dalaga pero di na niya nakita. Sumakay na lamang siya sa kotse niya para pabayaan na ito pero napalabas din para hanapin siya. "Where's that ugly nerd!" Inis niyang sambit. Hinanap niya ang dalaga hanggang sa matanaw ang pigura nito sa medyo madilim na parte ng lugar na iyun. Nilapitan niya ito mapansing may sinisilip sa likod ng pader. "Anong ginaga—" di niya natapos ang sasabihin nang mag-shh ito. "Yang kotseng kasing yan, parang may kakaiba dyan." Mahina niyang sabi. Sumilip din si Mizhu at may nakitang kotseng kulay itim na nakapark sa madilim na lugar na iyun. "May humarang kasi sa lalakeng may-ari niyan kanina at tinutukan siya ng b***l tapos pumasok na sila dyan sa loob. May nakita din akong batang babae dyan sa loob bago magsara ang pintuan ng kotseng yan!" Pabulong pa nitong kwento. "Sandali lang." Tumakbo palayo ang dalaga na di niya alam kung saan pumunta. Ilang minuto pa'y may dala na itong dalawang megaphone. Inabot kay Mizhu ang isa na ikinakunot ng noo ng lalake. Tapos nag-abot pa ito ng toy g*n na may red lights. "Aanhin ko to?" Naguguluhang tanong niya. Ngumiti lang si Hyemie ng sobrang tamis. "Itutok mo dyan sa kotse tapos sabihin mo, Sumuko na kayo kung ayaw nyong imassacre ko kayong lahat! Ano game?" Sabi nito at tumakbo sa ibang direksyon. "Sandal—ano ba yan. Bakit ko ba gagawin yun?" Napatingin siya sa hawak na megaphone at toy g*n. "Anong akala niya laro to ng mga bata? Tsk!" Aalis na sana siya ng marinig ang boses ni Hyemie na pinaiba lang ang tunog. "We are the bravo company! And I am captain Amer-ra from 23rd company division. Wag kayo. Captain America sana ang mababanggit niya. "KUNG SINO MANG NASA LOOB NG KOTSENG KULAY ITIM NA YAN PLEASE LANG MAGSILABASAN KAYO KUNG AYAW NYONG SUMABOG LAHAT!" Ang narinig niyang sabi nito. "May bomba ang kotseng yan. Kung ayaw niyong mamatay, umalis kayo dyan, ngayon din." Tahimik parin sa kabilang panig. "What the heck is she talking about?" Pero nagulat na lamang siya nang mag-unahan sa paglabas ang nasa loob ng kotse. Tatlong mga lalakeng parang mga goons at isang lalakeng pamilyar sa kanya na may kasamang batang babaeng nasa pitong taong gulang. Di niya gaanong makita ang mga hitsura nila dahil madilim sa gawing iyun. Ang ilaw lamang ng kotse ang nagsilbing liwanag dito. "Ibaba ang mga armas kung ayaw niyong sumabog ang mga bungo niyo." Sigaw pa ni Hyemie na iniba na naman ang boses. May mga red lights pang nakatutok sa mga katawan ng tatlong mukhang goons. Nagkatinginan ang mga goons na di mapakali at akmang lalapit sa mag-amang magkayakap pero nagsalitang muli si Hyemie. "Isang maling galaw at patay ka!" Hindi sumunod ang isa at mabilis na naglakad palapit sa mag-ama. Pero bago pa man mahawakan ang mga ito napaluhod na siya matapos ang isang malakas na putok. Ang bats nama'y napaiyak na. Niyakap naman ito ng ama na nangiginig din sa takot. "Sinong gustong sumunod!" Mabilis na naibaba ng dalawa pang natira ang mga armas nila. "Itaas niyo ang mga paa!" Nag-atubiling itinataas ng mga ito ang mga kamay. "Paa sabi ko eh! Isa! Dalawa!" Napadapa ang mga ito at itinaas ang mga paa. Si Mizhu naman ay nakatulala lang. Ilang minuto pa'y dumating ang mga pulis na rumispunde dahil sa narinig na putok. At ang mga guwardiya sa malapit na mall na may kasama ring mga pulis para sana hulihin si Hyemie na nagnakaw ng mga display at ng b***l ng guwardiya. Nagulat na lamang si Mizhu nang hilahin siya ni Hyemie paalis. "Let's go!" Sabi nito sa kanya nang makalayo na sila. "Sandali! Babalik ako!" Pabalik na sana si Mizhu nang pigilan siya ni Hyemie. "Makikilala nila tayo." "Kahit na!" Babalik na sanang muli pero di siya binitiwan ng dalaga. "Daddy ko yun! At kapatid ko yung batang babae." Halos pasigaw na niyang sabi. Eh?" Iyun ang rason kung bakit napatulala siya kanina. Pamilya niya ang biktima ng mga goons na iyun. "Kahit na! AY ANOOO!" Gulat nitong naisigaw. "Di nga?" Tanong pa nito. Palihim lang siyang tumulong matutuklasan agad niyang pamilya pala noting balak mangtrip sa kanya? What a coincidence. Nagpasalamat siya at medyo nauto niya ang mga taong yon dahil kundi pa baka napano na ang mag-ama sa loob. Itutuloy......
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD