Chapter 19: Lider na talunan

990 Words
    Papunta na sana si Hyemie sa school nang may nagtext galing sa unknown number. Unknown number: Punta ka sa dorm ko. Ngayon din.    "Maka ngayon din kala mo kung sino." Nireplyan niya ito ng: Magplease ka muna Ang sinagot ng unknown number ay angry bird na imoji.    "Bahala siya. Walang please, walang susunod."  Alam niyang si Kenjie ito base palang sa tono ng message. Saka siya lang din naman ang humawak sa cellphone ni Clyden. Dumiretso na siya sa school.    Pagdating niya kukunti palang ang mga estudyante. Ilang minuto rin ang lumipas bago dumating ang grupong Dark Angels at black flame.   "Ikaw! Di ba sabi ko sayong pumunta ka sa dorm ko?" Nagheadset agad si Hyemie at humalukipkip. Hindi pinansin ang galit na galit ng si Kenjie.    "Kita mo na! Slave mo nga di takot sayo?" Pang-iinsulto ni Deturi.    "Hayaan mo na siya. Ganyan siya kanina sa mga babae kahit ano man ang hitsura." Sabi naman ng kapatid nitong si Zature.     Lalo namang dumilim ang mukha ni Kenjie maging sa mga kaibigan nito.     "Ang mga hayop di dapat kinakausap ng mga tao." Sabi ni Hyemie at binigyan ng provocative smile ang magkapatid na ikinaningkit ng mga mata nila sa galit.     "Ikaw!" Turo ni Zature sa kanya.     "Alam mo ba na  ang mga hayop na maiingay kinakatay?" Dagdag pa ni Hyemie na lalong ikinagalit ni Zature. Itinaas ang isang kamao upang sapakin ang dalaga.     Pero may dalawang kamay ang humawak sa kamay niya. Walang salitang tiningnan lang ni Clyden si Zature. May pagkatalas man ang dila ng kababatang ito pero sa mga taong may kasalanan lang din sa kanya. At hinding-hindi hahayaan ni Clyden na may masamang  mangyayari kay Hyemie. At hindi niya papayagan ang sinumang manakit rito.      Nagulat siya makitang kumilos rin si Kenjie. Hindi niya inaasahang poprotektahan din nito si Hyemie. Hinayaan niyang magiging slave si Hyemie dahil alam niya ang ugali nito. At nakapagtataka pa nga if susundin niya ang anumang mga iuutos sa kanya. Isa lang kasi ang kinatatakutan ni Hyemie. Ang mga magulang niya lang at wala ng iba.      "Good morning class." Mabilis na bumalik sa kanilang mga upuan ang mga estudyante. Cold na tiningnan nina Kenjie at Clyden si Zature bago ito bitiwan saka nagtungo sa kani-kanilang mga upuan. Si Hyemie naman na nagtataka dahil ipinagtanggol siya, ayan nakatulala parin.      "Our lesson for today is about..."  Habang nagpapaliwanag ang guro, si Hyemie naman unti-unti ng nakaramdam ng antok.      Uminom na lamang siya ng tubig para mabawasan ang antok niya. Minsan naman nagtataas siya ng kamay kapag may tanong ang guro. Minsan tama ang sagot niya minsan naman mali. Iyon lang ang paraan niya para hindi siya antukin. Ang magparticipate sa discussion, nagtatanong at minsa'y sumasagot.      Pagkaalis ng guro agad nilapitan ni Kiyo si Hyemie.      "Aliya." Tawag ni Kiyo sabay kalabit.      "Wag mo kong tawaging Aleya. Hyemie nalang." Sagot ng dalaga. Tawagin ba naman daw siyang Aleya. Close ba sila?  Ayaw niyang may mag-short cut sa second name niya. Maaalala niya kasi na basta tawagin siyang Aleya ng lolo't Lola niya at ng mama niya, ibig sabihin galit na galit na ang mga ito.      "Okey. Hyemie. Pasyal tayo mamaya ha? Pwede naman tayong lumabas ng school dahil weekend na bukas." Nakangiti niyang sabi.      Di mapigilan ni Hyemie na mapatitig sa nakangiting si Kiyo. Dito niya napansin na ang cute pala nito pag ngumiti. "Ang landing talaga ng babaeng yan. Kahit sino-sino na lamang ang inaakit." Sabi ni Luna na may crush kay Kiyo.      Sinuklay naman ni Hyemie ang buhok at inasar pa si Luna. "Kung inggit ka sa beauty ko pa-sunburn ka rin." She mouthed while looking at Luna provocatively.      "O b—" di natapos ang nais sabihin ni Hyemie dahil sumabad si Nizu na nakakunot ang noo. "Hindi pwede! May gagawin pa kami." Sabi niya.       "May gagawin tayo?" Takang tanong ni Hyemie.      "Di ikaw ang niyayaya ko kaya wag kang sumabad." Sagot ni Kiyo. Binanggaan pa sa dibdib si Nizu. Palage silang nag-aaway pero hindi naghihiwalay.       "Wag nyo ngang pag-awayan ang panget na yan?" Sabi naman ng right hand ng  lider ng Black Flame g**g na si Kimura.       "Makapanget naman to, kala mo gwapo." Nakangusong sambit ni Hyemie.       "Huy! Ikaw! Kinulam mo ba ang dalawang to? Sabihin mo, ginayuma mo ba sila?" Pasigaw nitong tanong kay Hyemie.       "Kung makapagsalita ka, akala mo naman gwapo ka. Hindi mangkukulam si Hyemie." Inis na sabad ni Clyden.       "Yan Clyden mabestfriend. Ipagtanggol mo ako. Pramis, iboboto na talaga kita sa darating na election ng mga Hero of my life." Sabi naman ni Hyemie.      Mukhang lalong nainis si Kimura at marahas na tumayo. Sinipa pa ang katapat na upuan. "Anong sabi mo!" Sigaw niya pa kay Clyden habang nakakuyom na ang kamao.      "Ang yabang mo. Kinakampihan mo pa ang mangkukulam na to? Ganyan ba ang itinuro sa inyo ng talunan nyong lider?" Dagdag pa ni Kimura. Dahil don napatayo rin pati si Kenjie dahil sa inis. Palage nalang nilang sinasabi na talunan siya magmula nong matalo siya ni Daezel sa battle arena noong nakaraang taon.       Galit na galit itong lumapit kay Kimura at mabilis itong kinuwelyohan. "Bawiin mo yung sinabi mo." Sabi ni Kenjie na halatang nagpipigil lang sa galit.      "Totoo naman ah. Nagiging slave ng class 11-A si Ashiera nang dahil sayo. At dahil di mo siya naprotektahan, ibang tao na ang poprototektahan mo." Sabi pa ni Kimura.      "Sabagay magkapareho naman sila ng kulay ng mata. Pero di non maiaalis na tanga ka parin at taluna—"  Di natapos ni Kimura ang sinasabi dahil tumama na sa mukha niya ang kamao ni Kenjie.      Sinapak kasi bigla ni Kenjie si Kimura. Dumugo pa ang labi nito. Si Hyemie naman binuksan na lamang ang cellphone at nanood ng gokusen. Nakakasawa rin daw kasi kapag palage na lang nakakakita ng basagan ng mukha. Lalo pa kung di pa nga natatamaan, basag na ang mukha.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD