Third person's p.o.v Magkasamang pumasok sina Hyemie at ang apat na bagong mga kaibigan. "Dito tayo." Sabi ni Cara at umupo sa mesang may panglimahang upuan. Nagsiupuan naman ang apat sa mga bakanteng upuan. "Pano pag di tayo makakasali sa final ng class battle? Siguradong mas lalo tayong papahirapan ng mga gangsters niyan." Nag-alalang sabi ni Cara. "Nasa tao lang yan. Kapag di ka lalaban ay lalo ka lang apihin. Lalo na kapag luluhod-luhod ka lang, magmamakaawa, at iiyak. Ay naku! Di lalo ka lang nilang pahihirapan." Sagot ni Jing. "Hi! Girls! Pashare ng table ha?" Nakangiting tanong ni Herrel at kumindat pa. Humila pa ito ng upuan at sumiksik sa pagitan nina Maxine at Hyemie. "Di mo ba nakitang all girls table to? Ano ka bakla?" Mataray na sabi ni Jing. Si Hyemie naman inoobserba

