Third person's point of view
"Dahan-dahan lang baka masaktan siya." Sabi ni Hyemie nang ibaba na ng lalaki si Maxine sa kama.
"Thanks. Makakaalis ka na." Kahit pinilit niya lang ang taong to, nagpasalamat parin siya dahil ito parin ang naghatid kay Maxine sa dorm nila.
Nagulat na may halong pagtataka ang mga mata ni Allen dahil unang beses na may nagpasalamat sa bagay na ginawa niya. Buti sana kung kusa ang pagdala kay Maxine, napilitan lang kaya siya.
Tinitigan niya si Hyemie at nakita ang sincere na tingin ng blue niyang mga mata. Hindi siya sanay na pinapasalamatan lalo na kung sa pamilya nila Parang Mali lang niya ang nakikita. Kundi siya ginagawa ng mali hindi na siya mapapansin ng pamilya. At kahit kailan, hindi pa siya nakarinig ng salitang thank you sa mga taong natulungan niya dati.
Wala ring uma- appreciate sa mga bagay na gawa niya. Maganda man ito, mabuti ba o masama.
"Bakit ka nagpapasalamat?" Pasigaw niyang tanong para maitago ang hiyang nararamdaman niya.
Nahiya siya sa pagbabalak ng masama tapos papasalamatan siya ng taong iyinuring niyang kaaway.
Napapangiwi siya sa sakit nang maigalaw ang braso at tuhod. Nilapitan naman siya ni Hyemie na ikinaatras niya palayo. Takot mabalian.
"Ibabalik ko lang sa dati." Sabi ng dalaga at muling hinawakan ang braso niya at binalik sa dati.
"O. Ayos na."
Nagulat pa siya dahil nawala na ang sakit sa kanyang braso.
"Bakit mo ginawa yon? Galit ka sa akin di ba?" Nagtatakang tanong niya. Ikaw bang kalabanin ang taong gustong manakit sayo tapos kapag nasaktan mo gagamutin mo ba?
"Oh! Di a. Ikaw kaya ang galit sa akin. Sige na alis na." Taboy ni Hyemie.
"Wag na wag mo na ulit saktan si Maxine. Kapag ginawa mo yon babalian na talaga kita ng buto." Sabi niya pa at tinulak na si Allen palabas.
Nang makaalis na ang lalake nagluto agad si Hyemie ng makakain. Sakto namang naluto niya ang chicken curry nang magising si Maxine.
"Gising ka na pala. Halika. Nagluto ako ng pagkain." Yaya niya sa babae.
"Dinala mo ako dito?" Nagtatakang na may galing kyuryosidad na tanong ni Maxine.
"Yung lalaking yon ang nagdala sayo. Takot lang niya sa beauty ko." Sagot ni Hyemie at ni-flip pa ang mala-walis niyang buhok.
"Bakit mo ako tinulungan?" Tanong ni Maxine na may halong pagkabahala at pag-alala.
"Dahil cute ka." Seryosong sagot ni Hyemie na ikinanganga ni Maxine.
"Ha? Di naman ako cute." Nahihiyang sagot niya.
"Halika na. Kumain na tayo." Pag-ayang muli ni Hyemie.
"Alam mo bang bawal makipagkaibigan sa mga estudyanteng nagiging alipin o pet ng ibang estudyante?" Kaya hindi niya pinapansin si Hyemie dahil ayaw niya itong madamay.
Tinalikuran pa nga siya ng mga kaibigan at iniiwasan sa takot na madamay sila sa pagiging pet niya kay Allen.
"Anong alipin-alipin at pet ba iyang tinutukoy mo?"
"Ang mga estudyanteng mahihina ay magiging slave ng mas malalakas. Ang mas malala ay ang pet nila. Ang slave ay utos-utusan lang o tagadala ng mga gamit. Bawal saktan o bastusin. Pero ang pet pwede nilang gawin ang anumang gusto nilang gawin sayo maliban sa patayin ka o ano pa mang malalang mga krimen." Paliwanag ni Maxine.
"Sinong gumawa sa batas na yan? At upakan natin." Sagot naman ni Hyemie na nagtagpo pa ang kilay.
"Ang Class-A. Sila kasi ang namumuno sa mga estudyante ngayon."
"Ang batas kasi dito kung sino ang mananalo sa class annual battle ay ang siyang magiging batas ng school. Sila ang nagpasimula sa Dictatorial law ng Academy'ng ito. Natalo kasi ang class-D na siyang palaging champion dati."
"Pumayag ang may-ari?"
"Pumayag pero i***********l niya ang pang-aabuso sa kapwa estudyante, pakikipaglaban na walang pahintulot sa council at ang pagawa ng krimen. Pero may mga estudyante parin na hindi sumusunod sa batas at may mga inaabuso naman na walang lakas ng loob na magsumbong."
"E bakit may pet?"
"Ang pet ay ang mga estudyanteng hindi marunong lumaban. Sa paaralang ito, lahat dapat may alam sa pakikipaglaban. At kapag may gustong gawin kang pet kailangan mo siyang labanan. Kapag manalo ang gusto mong magiging pet, magiging slave ka niya at lahat ng mga gastusin o mga kakailangan niya sayo kukunin. Lahat ng meron ka sa school magiging pagmamay-ari niya. Pero kung siya ang matalo maari mo siyang alilain."
"Ikaw? Bakit ka nagiging pet?"
"Dahil di ako lumaban."
"Bakit di ka rin lumipat ng— ay wala. Namemersonal na pala ako." Ikinumpas pa ang kamay na nagsasabi na kalimutan na ang mga nasabi niya kani-kanina lang.
"Ayos lang. Kasalanan ko naman kung bakit di pa ako lumipat sa ibang paaralan." Sagot niya na halatang nalungkot bigla.
"Kung Dictator then sino ang pinakapinumo o mala-grand Marshall nila?" Tanong multi ni Hyemie.
"Si Daezel. Siya ang maituring na parang hari o general. At si Kenjie naman ang pangalawa. Nakabase na kasi ang kapangyarihan mo sa paaralang ito sa kung gaano ka ka galing makipaglaban. Mababago lang ulit ang batas kapag may bagong champion na naman sa paparating na annual class battle." Pagpapatuloy ni Maxine
"Sa paaralang ito, alipin ang mga mahihina at alila. Habang ang mga malalakas ang tinitingala at ang siyang naghahari-harian."
"Kung matalo ko ba si Daezel magiging general din ako?" Kumislap pa ang kanyang mga mata.
"Siya ang lider at ang magpapasya kung maari ka bang magiging lider o hindi. Maari mong kunin ang posisyon ng iba pero hindi sa kanya. Dahil siya ang gumawa sa batas na ito."
Napanguso si Hyemie. Akala pa naman niya maari rin niyang palitan sa trono ang naghahari-harian dito sakali mang matatalo niya ito sa laban. Pero hindi pala.
Nagtungo sila sa kanilang munting kusina at excited na sanang kumain ang dalawa dahil sa masarap na amoy ng chicken curry kaso nakita nilang paubos na ang laman sa mangkok na pinaglagyan ni Hyemie.
"Clyden! Sinong maysabing ubusin mo yan!" Sigaw ni Hyemie at hinabol ang tumakbong kaibigan na yakap ang isang mangkok.
"Magluto ka nalang kasing muli gutom na gutom na ako e." Nagsusumamong sambit niya.
Walang nagawa si Hyemie kundi ang maglutong muli kasi hindi na ibabalik ni Clyden ang luto niyang ulam. Kaya naman nagprito na lamang siya ng itlog para mas mabilis.
...